Tito Sotto-Helen Gamboa 50th wedding anniversary, dinaluhan ng kanilang pamilya't kaibigan

by Jojo Gabinete
Sep 23, 2019
Senate President Tito Sotto and Helen Gamboa celebrate their 50th wedding anniversary with family and friends at Chairman’s Villa of Solaire Resort and Casino, Sunday night, September 22.

Ang Chairman’s Villa ng Solaire Resort and Casino ang venue ng 50th wedding anniversary celebration nina Senate President Tito Sotto at Helen Gamboa.

Dinaluhan ito ng kanilang pamilya at mga kaibigan.

Kasikatan ni Helen bilang singer at aktres nang magtanan sila ni Tito noong September 21, 1969, pero inabot sila ng madaling–araw kaya kinabukasan na nakapagpakasal ang dalawa sa Sto.Tomas, Batangas.

Continue reading below ↓

Ibinahagi ni Tito sa kanyang social media followers ang damit na suot ni Helen nang magtanan sila, 50 na ang nakalilipas.

Naniniwala ang apat na anak nina Tito at Helen na sina Apples, Lala, Gian, at Ciara na totoong may forever dahil umabot sa 50 taon ang pagsasama ng kanilang mga magulang.

Continue reading below ↓

Ikinuwento rin ng mga anak ng Sotto couple na sa 50 taon na relasyon ng kanilang ama at ina, hindi nila nakitang nag-away ang dalawa, isang patunay na wagas na pagmamahal sa isa’t isa nina Tito at Helen.

Nabanggit din sa testimony ng mga anak nina Tito at Helen na combo player noon ang kanilang ama.

Sa tuwing umaalis si Tito, si Helen ang naglalagay ng pera sa wallet niya dahil mas nakaririwasa noon ang kanyang misis.

Continue reading below ↓

Maraming inspiring stories tungkol sa magandang relasyon nina Tito at Helen ang narinig ng mga bisita na puring-puri sila at ang maayos na pagpapalaki nila sa kanilang mga anak.

Sikat na artista si Helen nang pakasalan nito si Tito, pero pinili niyang magpahinga sa showbiz at alagaan ang mga anak nila na isa sa mga dahilan ng kanilang successful marriage.

Read Next
Read More Stories About
Helen Gamboa, Tito Sotto
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senate President Tito Sotto and Helen Gamboa celebrate their 50th wedding anniversary with family and friends at Chairman’s Villa of Solaire Resort and Casino, Sunday night, September 22.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results