Regine Velasquez, "nagpasampal" kay Dimples Romana; Ruby Rodriguez, malaki ang pasasalamat sa SPED teachers

by Jojo Gabinete
Sep 23, 2019
Sina Ruby Rodriguez at Dimples Romana ang ilan sa mga host ng 12th Gabay Guro Grand Gathering na ginanap sa Mall of Asia Arena kahapon, September 22. Sa isang bahagi ng programa ay tinawag ni Regine Velasquez si Dimples sa stage para "magpasampal."
PHOTO/S: Instagram

Kabilang sina Ruby Rodriguez at Dimples Romana sa mga host ng 12th Gabay Guro Grand Gathering na ginanap sa Mall of Asia Arena kahapon, September 22, 2019.

Waging-wagi sa mga teacher ang “pagpapasampal” ni Regine Velasquez kay Dimples, na tila hindi makapaniwalang paaakyatin siya ng Asia’s Songbird sa stage para sa re-enactment ng eksena nila ni Francine Diaz (as Cassie) sa Kadenang Ginto, na nagpasikat nang husto sa kanyang contravida character na si Daniela Mondragon.

Napaluha naman si Ruby nang pasalamatan nito ang mga guro, particularly ang mga special education teacher, ang mga guro na nagtuturo sa mga kabataang may mga disability.

Naramdaman ng lahat ng sincere na pasasalamat ni Ruby, na may anak na special na dahilan para mag-aral siyang maging SPED teacher at personal na turuan ang kanyang anak na may special needs.

Nagpahayag si Ruby ng pagsaludo nito sa mga SPED teacher na hinanap niya at personal na pinasalamatan.

Continue reading below ↓

Special guest sa Gabay Guro Grand Gathering si Department of Education Secretary Leonor Briones na naghatid ng magandang balita para sa mga guro—ang additional P1,000 allowance na inaprubahan ng Kongreso na matatanggap nila tuwing October 5, World’s Teachers Day.

“Siguro, sasabihin ninyo, bakit P1,000 lang?

"Pero alam niyo, kung iisipin ‘yang P,1000 for each of you, that is P903 million na galing sa taxes na ibinabayad ng ating mga sponsor, galing sa mga kontribusyon ng ating mga citizen para sa mga teacher," paliwanag ni Secretary Briones, na sinalubong ng malakas na palakpakan ng mga guro na pumuno sa 15,000 seats ng Mall of Asia Arena.

Lubos ang pasasalamat ng mga guro sa PLDT at Gabay Guro dahil sa pagpapahalaga na ibinibigay sa kanila sa pamamagitan ng annual grand gathering.

Mga sasakyan, house and lot, at gadgets ang ilan sa mga malalaking premyong napanalunan nila sa raffle draw ng Gabay Guro.

Continue reading below ↓

Walang umuwing malungkot dahil may mga natanggap na loot bag ang mga hindi pinalad magwagi sa raffle draw.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina Ruby Rodriguez at Dimples Romana ang ilan sa mga host ng 12th Gabay Guro Grand Gathering na ginanap sa Mall of Asia Arena kahapon, September 22. Sa isang bahagi ng programa ay tinawag ni Regine Velasquez si Dimples sa stage para "magpasampal."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results