Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, nag-heart-to-heart talk bago mag-duet

by Jojo Gabinete
Sep 24, 2019
Ayon sa isang source, biglaan ang duet ng dating mag-asawa na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa Gabay Guro Grand Gathering noong Linggo, September 22.
PHOTO/S: Pops Fernandez Instagram / Gabay Guro Instagram

Kinumpirma ng isang insider na biglaan at wala talaga sa plano ang duet number nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa 12th Gabay Guro Grand Gathering na ginanap noong September 22, 2019 sa Mall of Asia Arena.

From somebody in the know, may nagpayo kay Gabby na kung gusto nitong matapos na ang hidwaan nila ni Sharon, siya ang unang dapat gumawa ng paraan na magkaroon ng closure ang kanilang malalim na tampuhan na nag-ugat sa hindi natuloy na movie project na pagsasamahan nila noong nakaraang taon.

Pinakinggan naman ni Gabby ang payo sa kanya, tinawagan niya si Sharon sa cell phone nito pero hindi ito sumasagot.

Isang kasama ni Sharon ang tinawagan sa cell phone ng miyembro ng production staff ng Gabay Guro at nagsabing tinatawagan ni Gabby ang dating asawa.

Nagkataong hindi dala ni Sharon ang cell phone nito kaya hindi niya alam na tumatawag si Gabby sa kanya.

Continue reading below ↓

Binigyan ng privacy sina Sharon at Gabby ng mga tao sa kanilang paligid kaya nagkaroon sila ng heart-to-heart talk sa isang kuwarto sa backstage ng Mall of Asia Arena.

Maganda ang naging resulta ng pag-uusap nina Gabby at Sharon dahil nagkapaliwanagan at nagkaayos sila, isang bagay na hindi nangyari noong mainit na mainit ang isyu tungkol sa shelving ng kanilang reunion movie.

Nang may magbanggit na bakit hindi sila mag-duet para sa mga teacher, na sinegundahan nina Pops Fernandez at Martin Nievera, pumayag agad si Gabby.

Dahil pareho sila ni Sharon na hindi handa, pinakinggan muna nila sa Spotify ang suggested song na "Come What May," na mabilis na napag-aralan ng musical director na si Mel Villena.

Supposedly, dalawa ang spot number ni Sharon sa Gabay Guro, pero isa na lang ang kinanta niya dahil sa biglaang duet nila ni Gabby.

Postscript: Noong nakaraang taon, invited performers din sina Sharon at Gabby sa grand gathering ng Gabay Guro pero hindi sila nagkita at nagkausap dahil kainitan noon ng tampuhan nila.

Continue reading below ↓

Kasama ni Sharon na dumalo sa Gabay Guro 2018 ang kanyang asawa na si Senator Kiko Pangilinan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa isang source, biglaan ang duet ng dating mag-asawa na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa Gabay Guro Grand Gathering noong Linggo, September 22.
PHOTO/S: Pops Fernandez Instagram / Gabay Guro Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results