Mommy Dionisia Pacquiao, hinikayat ang lahat na safe nang kumain ng baboy

by Jojo Gabinete
Sep 24, 2019
Nagpunta si Mommy Dionisia Pacquiao, kasama si Qualibet CEO Pinky Tobiano, sa KCC market sa General Santos City at pumayag siyang makunan ng video habang bumibili ng pork chop para patunayan sa lahat na safe na kumain ng karne ng baboy.

Bago pa sinuportahan nina Angeline Quinto, Erik Santos, Kyle Echarri, Super Tekla, at ng G Force ang panawagang ligtas na kumain ng baboy sa pamamagitan ng Celebrity Lechon Boodle Fight na nangyari noong September 21, 2019 sa basketball court ng Veterans Memorial Village, Project 7, Quezon City, nauna na si Mommy Dionisia Pacquiao sa pagkumbinsi sa lahat na walang dapat ipangamba sa pagkain ng pork meat dahil sa dreaded African Swine Fever.

Kasama ang kanyang boyfriend na si Michael Yamson at si Qualibet CEO Pinky Tobiano, nagpunta si Mommy Dionisia sa KCC market sa General Santos City at pumayag siyang makunan ng video habang bumibili ng pork chop para patunayan sa lahat na safe na kumain ng karne ng baboy.

As expected, ayon sa eyewitness account, pinagkaguluhan ang nanay ni Senator Manny Pacquiao habang bumibili siya ng pork chop at sinasabihan niya ang mga tao na walang dapat ikatakot sa African Swine Fever.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Pinky Tobiano, “Namalengke si Mommy Dionisia sa KCC Market ng pork chop dahil ipagluluto niya ako ng inihaw na pork chop for dinner.

“Grabe, pagdating namin sa pork section ng palengke, pinagkaguluhan si Mommy Dionisia.

"Nang makita ng mga tao na bumibili siya ng pork chop, nagsunuran sila kay Mommy Dionisia at pinakyaw nila ang mga pork chop na ibinebenta.

“Sinabi ni Mommy Dionisia sa kanila na, 'Huwag kayong maniwala sa fake news tungkol sa baboy. Masarap at safe kainin ang pork meat.'"

Nakikipagtulungan si Tobiano sa Department of Agriculture, Hog Industry of the Philippines, at Propork sa paghahatid sa publiko ng mensahe na ligtas kumain ng pork meat bilang suporta nila sa Filipino pork farmers na naapektuhan ang mga negosyo at kabuhayan dahil sa mga nakakaalarmang balita na kumakalat tungkol sa African Swine Fever.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagpunta si Mommy Dionisia Pacquiao, kasama si Qualibet CEO Pinky Tobiano, sa KCC market sa General Santos City at pumayag siyang makunan ng video habang bumibili ng pork chop para patunayan sa lahat na safe na kumain ng karne ng baboy.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results