#Jowable ni Kim Molina at Kiko En Lala ni Super Tekla, magsasalpukan na sa takilya

by Jojo Gabinete
Sep 25, 2019
Ngayong araw, September 25, sabay na magbubukas sa mga sinehan ang launching movies nina Kim Molina (kaliwa) at Super Tekla.
PHOTO/S: Noel Orsal

Dalawang Kim ang mapapanood ngayong araw, September 25, sa mga pelikulang magbubukas sa mga sinehan—sina Kim Molina at Kim Domingo.

Si Kim Molina ang lead actress sa #Jowable, ang launching movie niya sa Viva Films at si Kim ang leading lady ni Super Tekla sa Kiko En Lala ng Backyard Productions.

Magkasunod na nagkaroon ng premiere night ang #Jowable at ang Kiko En Lala na parehong ginanap sa SM Megamall Cinema.

“White carpet premiere” ang description sa premiere ng #Jowable sa SM Cinema 1 ng Megamall noong Lunes, September 23.

Ang usual red-carpet premiere naman ang tawag sa screening ng Kiko En Tekla sa Cinema 2 kagabi, September 24.

Kung mapangahas ang mga dialogue ni Kim Molina sa #Jowable dahil sa kanyang mga mura at paulit-ulit na pagsasabi ng "bayag," pa-sweet naman si Kim Domingo sa mga eksena nito sa Kiko En Lala na nagbabalik din sa brand of comedy ng dekada ’90 tulad ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo.

Continue reading below ↓

Parehong may mga gay character sa #Jowable at Kiko En Lala.

Si Chad Kinis ang gumanap na kaibigan ni Kim Molina sa #Jowable at si Divine Tetay bilang kontrabida sa buhay ng conjoined twins na ginampanan ni Super Tekla sa Kiko En Lala.

Baklang-bakla ang showbiz image ni Super Tekla, pero sa tunay na buhay ay lalaking-lalaki siya at may mga nakarelasyong babae, kaya lumabas sa Kiko character niya sa Kiko En Lala ang kanyang tunay na pagkatao.

Hindi ipinagkakaila ni Super Tekla na nakaranas na siya ng depression dahil sa pakikipagrelasyon niya sa mga babae.

Kung ang tunay na boyfriend niyang si Jerald Napoles ang kapareha ni Kim at “dumurog sa mani” ni Elsa Mangahas (Kim’s character) sa #Jowable, si Derrick Monasterio naman ang love interest ng Lala character ni Super Tekla sa Kiko En Lala.

Nagampanan ni Derrick nang buong husay ang role na ipinagkatiwala ng direktor na si Adolf Alix Jr. dahil mula umpisa hanggang katapusan ng pelikula, gay lingo na tila na-master na niya ang kanyang mga dialogue.

Continue reading below ↓

SNACK BAR INCIDENT

Sa magkasunod na gabi ng premiere ng #Jowable at Kiko En Lala, pareho ang naging karanasan ng mga manonood na nagtangkang magpasok sa loob ng sinehan ng mga pagkaing hindi nila binili mula sa snack bar ng SM Megamall Cinema.

Totoong pinapayagan nang ipasok sa loob ng sinehan ang mga pagkaing hindi ipinagbibili sa SM Cinema snack bar mula nang magreklamo ang publiko.

Pero sa mga regular screening lamang ng mga pelikula, hindi sa mga special event tulad ng premiere night ng #Jowable at Kiko En Lala.

Sa premiere ng #Jowable, nabigo ang ibang nanood na ipasok sa loob ng sinehan ang mga pagkaing bitbit dahil bawal at itinuro sa kanila ng security personnel ang isang lugar kung saan puwede nilang iwanan at balikan ang mga snack na dala.

Naranasan naman namin nang personal ang modus ng SM Cinema snack bar salesclerks nang bumili kami ng popocorn.

Continue reading below ↓

Nang sabihin naming popcorn ang aming bibilhin, sinabi nilang bucket size lamang ang available pero nag-insist kami na tumbler size ang gusto namin.

Lo and behold, biglang inilabas ng salesclerk ang tumber size popcorn na hindi visible sa paningin ng mga bumibili dahil inuuna nilang ubusin ang bucket size popcorns na mas mahal ang presyo.

Ang aming personal experience sa premiere ng #Jowable ang paalala sa lahat na ipaglaban ang karapatan sa tuwing bibili sa snack bar ng SM Megamall Cinema at huwag hahayaan ang mga salesclerk na magdikta sa kung ano ang dapat bibilhin at kakainin ng mga paying customer.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong araw, September 25, sabay na magbubukas sa mga sinehan ang launching movies nina Kim Molina (kaliwa) at Super Tekla.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results