Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Rita Daniela, ayaw nang palakihin ang snubbing issue sangkot si Alex Gonzaga

by Jojo Gabinete
Sep 25, 2019
Kapuso actress Rita Daniela (kaliwa), nilinaw na nagkausap na sila ng Kapamilya actress na si Alex Gonzaga.
PHOTO/S: Noel Orsal

Ang isyu tungkol sa diumano’y “cold shoulder" treatment ni Alex Gonzaga sa kanila ni Ken Chan nang magkita-kita sila sa isang domestic airport ang ipinasagot kay Rita Daniela sa presscon ng One of The Baes, na kasalukuyang nagaganap nitong Miyerkules, September 25, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Na-appreciate ng entertainment press ang honesty ni Rita dahil imbes na itanggi ang nangyari, nakiusap siyang huwag nang palakihin ang isyu.

"Sana po, unang-una po, hindi naman dapat gawin na isyu kasi wala po yun para sa amin ni Ken, and sana huwag na po sana nating palakihin pa.

"Tapos na po yun, okey na po kami ni Alex, nakapag-usap na po kami.

"At yun ang pinakaimportante so wala nang mas dapat na parang i-OA pa.

"Okay na po, all is well.

"And kung ano man po yung nangyari nung gabi na yun, naiintindihan po namin ni Ken.

"Kasi kami rin po, bilang artista, maaaring noong panahon na yun, baka may pinagdadaanan siya o pagod siya, at naiintindihan po namin siya.

Continue reading below ↓

"Honestly, sa amin po, hindi po talaga yun big deal sa amin, so sana po huwag nating palakihin pa," pakiusap ni Rita.

To date, ang One of the Baes ang biggest project ni Rita dahil bida na siya sa prime-time romantic-comedy series ng GMA-7 na mapapanood simula sa Lunes, September 30, 2019.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Overwhelmed ang pakiramdam ni Rita dahil noong September 2018, isa siya sa mga ipinakilala bilang cast member ng My Special Tatay, ang successful afternoon drama series ng Kapuso Network na turning point ng showbiz career niya.

"Exactly, sometime this year, September, My Special Tatay, same place, same time, I was also here, but I’m still not his leading lady," tukoy ni Rita sa pinagsamahan nilang teleserye ni Ken noon.

"I was just sitting doon sa dulo that’s why it feels so nostalgic for me.

"Kasi, same time this year, ako na yung huling lalabas, ako na yung ipapakilala.

Continue reading below ↓

"Hindi na ako sanay, kasi nasanay na ako na nakaupo sa gilid, yung ganoon.

"'Tapos that time din, my work that day is to sing the theme song of My Special Tatay and just be a part of the show.

"But, grabe! Today... sabi ko, isang taon, isang ganoon lang ni God, sobrang nag-iba siya totally.

"Hindi po namin sobrang ine-expect,” pagbabalik-tanaw ni Rita tungkol sa mabilis na pagbabago ng kapalaran niya.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Rita Daniela (kaliwa), nilinaw na nagkausap na sila ng Kapamilya actress na si Alex Gonzaga.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results