Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Derek Ramsay at Andrea Torres, umamin na tungkol sa kanilang relasyon

by Jojo Gabinete
Sep 26, 2019
Derek Ramsay on relationship with Andrea Torres: "We are more than friends. We’re at that stage na we both have feelings for each other. It’s not just that we're both physically attracted, it’s deeper than that in the sense that she has met my parents, I’ve met her parents, our parents have met."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Instagram

“My mom’s exact words were ‘Yan ang babaeng may breeding.'”

Ito ang sagot ni Derek Ramsay nang tanungin tungkol sa impresiyon ng mga magulang niya sa kanyang girlfriend na si Andrea Torres.

Finally, nagkuwento sina Derek at Andrea sa Cabinet Files at iba pang piling reporters tungkol sa kanilang relasyon sa huling gabi ng taping ng The Better Woman kahapon, September 25, 2019.

Magwawakas ang prime-time drama series nila sa GMA-7 bukas, September 27.

Sa kauna-unahang pagkakataon, naging vocal si Andrea sa pagsasalita tungkol sa kanyang love life.

Hindi maipagkakailang maligayang-maligaya siya sa relasyon nila ni Derek.

“Babe” ang term of endearment nina Derek at Andrea sa isa’t isa, pero may pagkakataong “Chin-Chin” ang tawag ng aktor sa kanyang girlfriend.

“Mahaba daw kasi ang baba ko,” sabi ni Andrea, na hinawakan ang kanyang baba habang ipinapaliwanag ang dahilan ng pagtawag ni Derek sa kanya ng "Chin-Chin."

May mga insidente na, unconsciously, tinatawag nilang "Babe" ang isa’t isa sa taping ng kanilang mga eksena, kaya pinapaalalahanan sila ni Mark dela Cruz, ang direktor ng The Better Woman.

Continue reading below ↓

Natatawang kuwento ni Andrea, “Minsan, lumulusot sa soap, e!

"Hanapin niyo doon, meron. Ako, may once, e."

“Ako, mga three times,” sabi ni Derek.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Dito 'Love,' pero kami 'Babe' or meron siya na tinatawag na 'Chin-Chin.' 'Baby, usually...'

“Sabi ni Direk, ‘Babe. Love tayo, nadulas kayo.'"

Pagpapatuloy ng aktor, “Yung connection naman namin was, even before extra.

"The things you’re talking about, wala naman kaming alam na magiging ganito ka-close kami.

“When we first met, we already had a connection dun sa station ID ng GMA.

"We just connected, we were just talking about pag-aartista, we did not see na may connection kami, and then nabuo.

“Alam mo, walang ano, e… Usually, pinag-iisipan mo ‘yan. It just flows naturally.

"Bukas [September 26], we’re going to Dubai very early in the morning, sa PBL,” ani Derek.

Nang tanungin naman si Andrea kung gaano siya kasaya, “Sobrang saya,” sagot niya.

Dagdag pa ng aktres, “Marami naman ang nakakapansin, yung difference talaga.

Continue reading below ↓

"Parang ngayon lang din naman ako naging vocal.

"Ngayon din lang ako nagpu-post nang hindi family or work, sarili ko, kaya siguro halatang-halata.

"But then, ganoon nga.

“Minsan, kapag masyado kang happy, parang hindi mo ma-keep sa sarili mo.

"So, hindi mo na rin ino-overthink, nagpu-post na lang ako,” kuwento ni Andrea.

Itinuturing ni Andrea si Derek bilang “the closest guy to me right now.”

THE PARENTS

Ibinahagi naman ni Derek ang closeness sa isa’t isa ng kanyang mga magulang at ng mga magulang ni Andrea.

Mahirap daw paghiwalayin ang kanilang mga ama sa tuwing nagkikita-kita sila.

Saad ni Derek, “We both enjoy being with each other, whether it’s at work.

"She doesn’t have to go to Dubai tomorrow, pero she’s supporting me in games there.

"We are more than friends.

"We’re at that stage na we both have feelings for each other.

"It’s not just that we're both physically attracted, it’s deeper than that in the sense that she has met my parents, I’ve met her parents, our parents have met.

Continue reading below ↓

“My dad and her dad, kailangan mong i-separate.

"Sila [ni Andrea] ang laging magka-text ng nanay ko.

"Ako, lagi kong ka-text ang nanay niya.

“So, first time in my life na my set-up is like that.

"I’ve had my relationships in the past, but I always got along with the parents.

"I always make sure kasi, for me, that’s important.

"Pero first time na close kami.

“Ako, the parents always loved me... No, joke lang, but what I’m saying, we’re close.

"Pero yung folks niya at yung folks ko, close, because we both really prioritize family.

"This one is just so natural, we enjoy sitting down.

"I think we have about, ilang sit-downs na, mga dinner.

"Like, birthday ng dad ko, invited yung parents niya. That’s why it’s so light."

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay on relationship with Andrea Torres: "We are more than friends. We’re at that stage na we both have feelings for each other. It’s not just that we're both physically attracted, it’s deeper than that in the sense that she has met my parents, I’ve met her parents, our parents have met."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results