Ama ng showbiz newbie na si Cindy Miranda, pumanaw sa edad na 58

by Jojo Gabinete
Sep 26, 2019
Showbiz newbie Cindy Miranda, malungkot na ibinahagi ang huling sandali sa piling ng pumanaw niyang ama.
PHOTO/S: @cindy Instagram

Nabahiran ng lungkot ang boses ng former beauty queen-turned-showbiz newbie na si Cindy Miranda nang mapag-usapan ang kanyang ama, si Tony Miranda, na sumakabilang-buhay noong July 31, 2019 dahil sa mga kumplikasyon sa diabetes.

Mula nang maging artista si Cindy, pinapanood ng tatay nito ang lahat ng mga TV at movie project niya bilang suporta sa kanya.

Ang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo ang huling pelikula ni Cindy, pero hindi na ito naabutan ng kanyang ama kaya may nararamdaman siya na panghihinayang.

Hindi na rin mapapanood ng tatay ni Cindy ang Adan, ang launching movie niya na ipalalabas sa mga sinehan sa November 2019.

"Sadly, wala na ang daddy ko. He passed away a month ago," bungad na pahayag ni Cindy nang makausap siya ng Cabinet Files sa story conference ng Delta.

"Hindi niya naabutan yung Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo pero alam niya na nagawa ko na yung Adan na unang natapos.

"Pero I think masaya siya kasi alam niya lahat nang ito. Alam niya ang mga nangyayari, okey na ako. Alam niya na nagsisimula na ako."

Continue reading below ↓

Ayon kay Cindy, kaharap siya nang malagutan ng hininga ang kanyang ama sa isang ospital; at hindi naging madali ang magpasya na alisin ang life support system nito.

"Nung pinuntahan ko siya sa ospital, noong mga last second niya, naabutan ko siya, naka-life support.

"I had an hour with him before alisin yung life support.

"Kami lahat ang nag-decide na alisin ang life support, kaming magkakapatid.

"Mahirap… kailangan pa na umuwi ng mga kapatid ko from Dubai.

"Yung iba, nasa ibang bansa sila, pero hinintay lahat."

Paano nila hinarap ang malungkot na sinapit ng amang may sakit?

Paliwanag ni Cindy: "Bata pa siya, he’s 58 years old pero sobrang hirap na siya.

"Actually, yung doktor din ang nagsabi na ilang araw nang nakalagay ang life support—namamaga na siya, wala nang effect kung anuman yung mga itinutusok sa kanya.

"So maaawa ka rin kasi makikita mo yung daddy mo na hindi naman nagsasalita. Comatose na siya. Papahirapan pa ba namin?"

Continue reading below ↓

Bukod sa pagkakasakit ng kanyang ama ay lubhang nag-alala rin si Cindy sa kalagayan ng kanyang ina.

"Hindi lang naman siya ang nahihirapan, kami rin, lalo na yung mommy ko.

"Gusto kong magpahinga yung mommy ko kasi, imagine, hindi siya natutulog dahil hindi rin natutulog ang daddy ko.

"Baka ang mommy ko naman ang magkasakit.

"Pero alam ko na yung daddy ko, nang mawala siya, ready na siya."

Hanggang ngayon, hindi masabi ni Cindy na handa siya nang mawala ang kanyang ama na matagal nang may sakit.

May mga pagkakataong hindi pa rin daw niya matanggap ang malungkot na pangyayari at nangungulila pa rin sa presensya nito.

"Akala ko okey na kasi matagal na siyang naghihirap. Na aasahan ko na anytime mawawala siya. Pero hindi pala ganoon kadali.

"Pero you know what, hindi ko man ito mailabas lahat, makakatulong ito sa akin.

"At alam ko na nawala yung daddy ko, hindi dahil nawala lang siya. May reason yun.

Continue reading below ↓

"Siguro para mag-move forward pa ako at alam ko na nandiyan siya palagi sa tabi ko."

Sa huli, ibinahagi ni Cindy kung anong ibinulong niya sa kanyang ama noong mga huling sandali nito.

"Sabi ko sa kanya, bago tanggalin ang life support niya, 'At least ngayon, hindi na kita mami-miss dahil alam ko kasama na kita palagi.'

"Sabi ko nga, 'Pasensya na. Makikita mo lahat.'

"Hindi naman kasi ako nagse-share sa kanya ng lahat ng bagay."

Patuloy ng dalaga: "'Makikita mo na lahat ng mga ginagawa ko. Sana okey lang. Or sometimes, magparamdam ka naman sa akin kung ayaw o gusto mo yung mga ginagawa ko.'

"Pero naramdaman ko na masaya siya."

Noong April 2019, una nang naikuwento ni Cindy sa Cabinet Files na sumasailalim sa dialysis ang kanyang ama dahil sa kidney ailment nito.

Si Cindy ay dating kumandidata bilang Binibining Pilipinas-Tourism 2013.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Showbiz newbie Cindy Miranda, malungkot na ibinahagi ang huling sandali sa piling ng pumanaw niyang ama.
PHOTO/S: @cindy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results