Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Kyline Alcantara, inspirasyon ang Canadian model na si Winnie Harlow para sa role niya sa Black Lipstick

by Jojo Gabinete
Sep 26, 2019
Isa sa mga naging inspirasyon ni Kyline Alcantara (kaliwa) sa kanyang role bilang isang dalagang may Vitiligo ang Canadian model na si Winnie Harlow (kanan).
PHOTO/S: Instagram

May Vitiligo ang karakter na ginagampanan ni Kyline Alcantara sa Black Lipstick.

Ang Black Lipstick ang launching movie niyang mapapanood sa mga sinehan simula sa October 9, 2019 at initial offering ng Obra Cinema, ang bagong tatag na movie company ni Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque.

Pinag-aralan at pinaghandaang mabuti ni Kyline ang role niya sa Black Lipstick sa pamamagitan ng research tungkol sa Vitiligo, isang chronic skin condition dahil sa kakulangan ng melanin sa katawan kaya nagkakaroon ng white patches sa balat.

Ang popular Canadian model na si Winnie Harlow na may Vitiligo ang isa sa mga naging inspirasyon ni Kyline para sa karakter nito sa pelikula.

Sinabi ni Kyline na pinanood niya ang mga video ni Winnie at pinag-aralan ang life story ng sikat na model, na nakaranas ng bullying dahil sa depigmentation ng kanyang balat na nagsimula noong apat na taon na gulang siya.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa kuwento ng Black Lipstick, gumagaling ang Vitiligo at gumaganda ang hitsura ni Kyline sa tuwing ginagamit nito ang itim na lipstick na ibinigay sa kanya ng isang misteryosang babae na ginagampanan ni Thia Thomalla.

Hindi nag-iisa si Harlow dahil tulad niya, may Vitiligo rin ang mga popular celebrity na sina Steve Martin, Dudley Moore, at ang pinakasikat sa lahat—ang King of Pop na si Michael Jackson.

May mga Pilipino ring may Vitiligo gaya ng dating pari na si Ed Panlilio, ang hinirang na Filipino of the Year ng isang pahayagan noong 2007.

Nasuspinde si Panlilio bilang pari nang kumandidato siyang gobernador ng Pampanga sa eleksyon noong May 2007.

May Vitiligo rin ang dalawang Filipino actors na kilala sa pagganap sa mga character role, pero hindi nila inaamin sa publiko ang kanilang karamdaman.

Nag-umpisa bilang ramp model ang isang aktor, samantalang nanalo ng mga acting award ang aktor na may makulay na buhay at madalas na nasasangkot sa mga gulo.

Continue reading below ↓

Sa tuwing dumadalo sa mga showbiz event ang mga aktor, ang hindi pantay na kulay ng kanilang mga balat ang unang napapansin ng mga tao na takot namang magtanong tungkol sa skin condition nila.

At any rate, more than excitement, magkahalong kaba at pressure ang nararamdaman ni Kyline sa nalalapit na playdate ng Black Lipstick dahil nakasalalay sa star power niya ang success ng kanyang launching movie.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isa sa mga naging inspirasyon ni Kyline Alcantara (kaliwa) sa kanyang role bilang isang dalagang may Vitiligo ang Canadian model na si Winnie Harlow (kanan).
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results