Ai-Ai delas Alas, napagkamalang performer sa fan meet ni Park Seo Joon

by Jojo Gabinete
Sep 30, 2019
Ai-Ai delas Alas: "Nagtanong kami kay Kuya Guard kung saan ang VIP entrance, ang sabi niya, 'Ma’am dito kayo sa backstage.' Akala niya performer ako, kaya sinabi ko sa kanya na manonood din kami!"
PHOTO/S: Ai-Ai delas Alas Instagram

May isang taong nagmagandang-loob kay Ai-Ai delas Alas at sa anak nitong si Sophia nang malamang halos tatlong oras pumila, pero nabigo, ang mag-ina para makakuha ng VIP tickets para sa September 29, 2019 meet-and-greet sa Mall of Asia Arena ng Korean actor na si Park Seo Joon.

Natupad ang pangarap nina Ai-Ai at Sophia na makita si Park Seo Joon nang up-close and personal dahil sa VIP tickets na ipinadala ng taong nagmagandang-loob dahil natuwa sa pagpila na ginawa nila habang umuulan.

Continue reading below ↓

Ayon kay Ai-Ai, comedy ang eksena nang dumating sila ni Sophia sa Mall of Asia Arena dahil napagkamalan siyang special performer sa meet-and-greet ni Park Seo Joon.

"Nagtanong kami kay Kuya Guard kung saan ang VIP entrance, ang sabi niya, 'Ma’am dito kayo sa backstage.'

"Akala niya performer ako, kaya sinabi ko sa kanya na manonood din kami!" natatawang kuwento ni Ai-Ai sa Cabinet Files.

"'Tapos, may tumawag sa akin, si Kuya na parang marshall.

"Pinapasok niya kami sa kuwarto para magpa-picture kay Park Seo Joon, walong tao ang puwedeng pumasok para sa photo op.

"Nandoon sina Janice at Gelli de Belen.

"Hindi namin nakausap si Park Seo Joon, picture lang talaga.

"Bawal nga ang maingay sa hallway."

Continue reading below ↓

Kuwento pa ni A-Ai, "Gusto ko siyang yakapin, hihipuin ko pa lang yung T-shirt niya, sinabi agad ng manager na ‘No!’

"At least, nakatabi ko siya sa picture.

"Behave ako, baka palabasin ako, lalo akong mawalan ng pic na kasama siya.

"'Tapos naiyak ako nang makita ko siya, ewan ko ba kung bakit.

"Si Sophia naman, sa kamamadali, natapakan ang sarili niya.

"Pero nakakatawa, parang ako ang may show dahil kuntodo-bihis ako, si Park Seo Joon, naka-T-shirt lang."

Masayang-masaya si Ai-Ai dahil nakita niya nang malapitan at personal ang Korean actor na hinahangaan nila ng kanyang anak.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas: "Nagtanong kami kay Kuya Guard kung saan ang VIP entrance, ang sabi niya, 'Ma’am dito kayo sa backstage.' Akala niya performer ako, kaya sinabi ko sa kanya na manonood din kami!"
PHOTO/S: Ai-Ai delas Alas Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results