Anjo Damiles, tumanggi sa nude scene pero pumayag sa gay kissing scene

by Jojo Gabinete
Sep 30, 2019
Anjo Damiles on doing a gay kissing scene: "It doesn’t mean that if I kiss a guy, gugustuhin ka na yun habambuhay. Actually, ayoko rin ma-typecast ako. Gusto ko rin naman na malagay ako sa pagiging leading man soon."
PHOTO/S: Noel Orsal

Si Anjo Damiles ang gumanap na lover ni Jerome Ponce sa Ang Henerasyong Sumuko sa Love ng Regal Entertainment, Inc.

Pero nilinaw niyang ibang aktor at hindi siya ang may nude scene sa trailer ng pelikula na ipalalabas sa mga sinehan sa Miyerkules, October 2, 2019.

“Hindi ako yung nakita niyo sa CR na nakahubad. Nooo, that’s not me!” mariing pagtanggi ni Anjo.

“Actually, lahat po talaga, nag-text sa akin, tumawag sa akin. Sabi nila, 'Pumayag ka na gagawin mo yun?'

“Sabi ko, hindi ko kaya. I would go as far as underwear, maybe…" sabi ni Anjo.

Hindi raw magagawa ni Anjo ang mga nude scene sa pelikula, pero napapayag siyang magkaroon ng kissing scene kay Jerome sa Ang Henerasyong Sumuko sa Love.

Aniya, “Mahal ko ang trabaho ko.

"It doesn’t mean that if I kiss a guy, gugustuhin ka na yun habambuhay.

"Actually, ayoko rin ma-typecast ako. Gusto ko rin naman na malagay ako sa pagiging leading man soon.

Continue reading below ↓

"Kapag palagi mong tinatanggap yung roles na ganoon, baka maudlot.

"Puwede akong tumanggap, pero hindi consistent."

RELATIVES IN SHOWBIZ

Hindi lamang ang Ang Henerasyong Sumuko sa Love ang current project ni Anjo dahil cast member din siya ng Madrasta, ang afternoon drama series ng GMA-7 na may pilot telecast sa October 7, 2019.

Ang Madrasta ang unang drama series ni Anjo bilang Kapuso Star dahil anim na taon din siyang napanood sa mga programa ng ABS-CBN.

Ex-boyfriend ng karakter ni Thea Tolentino ang ginagampanan ni Anjo sa Madrasta.

Seryoso si Anjo sa kanyang showbiz career dahil katuparan ito ng childhood dream niya.

Sa kanilang pamilya, si Anjo ang pangalawang miyembro na pumasok sa showbiz.

Nauna ang kanyang tita, ang Bb.Pilipinas-Universe 1996 na si Aileen Damiles na kapatid ng tatay niya.

Short-lived ang acting career ni Aileen dahil pinili nito ang pag-ibig at makisama sa lalaking minamahal niya.

Kuwento ni Anjo tungkol sa Tita Aileen niya, "Ninang ko po and kapatid ni Daddy. Youngest po si Tita Aileen.

Continue reading below ↓

"Nagkikita kami and nangungumusta lamang siya. Nagtatanong siya.

"I think she misses yung buhay-artista.

"Siguro, gusto lang niya mabalitaan kung may nagbago dito. Gusto lang niya malaman kung ano ang meron ngayon.

"Ang sabi lang niya sa akin, if I love what I’m doing, I suggest, just pursue it.

"Ituluy-tuloy ko lang, pagbutihin ko lang, balang-araw, aangat ka rin."

Hindi lamang si Aileen ang showbiz personality na kamag-anak ni Anjo dahil lolo nito ang popular TV host na si Boy Abunda, na tinulungan siya noong nag-uumpisa ang kanyang acting career.

Si Boy ang nagpayo kay Anjo na huwag magpaapekto sa mga intriga.

"Ang grandfather ko talaga, which is first cousin ng lola ko, si Tito Boy Abunda.

"Ang sabi niya sa akin, ‘Huwag ka lang aasa lagi. Kung anuman ang sabihin sa 'yo ng tao, hayaan mo lang.

"'Take it as a compliment para mapa-better mo ang sarili mo, lalo na kung masama.

Continue reading below ↓

"Kasi kung didibdibin mo ‘yan, walang mangyayari sa 'yo. Lalo ka lang mada-down, hindi mo magagawa ‘yung gusto mong gawin.'"

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anjo Damiles on doing a gay kissing scene: "It doesn’t mean that if I kiss a guy, gugustuhin ka na yun habambuhay. Actually, ayoko rin ma-typecast ako. Gusto ko rin naman na malagay ako sa pagiging leading man soon."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results