Former child actor Louise Abuel, first kiss si Ella Cruz sa pelikula at sa tunay na buhay

by Jojo Gabinete
Oct 1, 2019
Louise Abuel (left) and Ella Cruz (right) star in the coming-of-age movie Edward directed by Thop Nazareno (center). The film is Graded A by the Cinema Evaluation Board.
PHOTO/S: Noel Orsal

Graded A ng Cinema Evaluation Board ang Edward, ang coming-of-age at launching movie ng former child actor na si Louise Abuel.

Sa tunay na buhay, coming of age din ang nangyari kay Louise nang gampanan nito ang karakter ni Edward dahil sa edad na 15, naranasan niya ang kanyang first kiss sa kissing scene nila ni Ella sa pelikula.

Noong mga maliliit pa sila na mga bata, nagkasama ang dalawa sa Aryana, ang fantasy-drama series ng ABS-CBN.

Kaya sinabi ni Louise na hindi nito alam kung magiging kumportable siya sa eksena na gagawin nila ni Ella.

“Noong mag-start na yung eksena na yun, nanginginig talaga ako.

"Hindi ko alam ang nararamdaman ko ng oras na yun,” ang kuwento ni Louise nang kunan ng direktor na si Thop Nazareno ang kissing scene nila ni Ella sa Edward.

“Amoy na amoy ko na nag-mouthwash siya, nag-toothbrush siya!” ang natatawang sabi ni Ella tungkol sa kissing scene shoot nila ni Louise.

Continue reading below ↓

Kuwento pa ng aktres, “Sinabi ko kay Direk na huwag nang i-rehearse ang kissing scene namin ni Louise para makunan natin ang talagang expression niya, kasi first time niya talaga, in real life at first time niya sa pelikula.

“Magiging sobrang raw yung emotions niya, yung magiging reaction niya.

“Sabi ko, 'Relax ka lang"

"During sa scene, nararamdaman ko nang naninigas talaga yung kamay niya.

"Sabi ko, 'Hawakan mo ako,' kasi parang hindi niya ako hinahawakan.

“'Sige, kalma ka lang.' Dinahan-dahan ko naman kasi baka kapag binigla ko, ma-shock siya.”

Napansin ni Ella na natulala si Louise pagkatapos kunan ang kanilang kissing scene.

Inamin naman ni Louise na talagang natulala siya dahil sa naramdaman na pagkailang at hiya sa kanyang “Ate Ella.”

Si Louise ang pinili ni Thop na gumanap na Edward dahil ang ihtsura ng former child actor ang hinahanap niya para sa kanyang pelikula.

“Last year, December, nagpa-audition kami.

Continue reading below ↓

"Normally, may top picks ako na papapuntahin sa audition.

"Nakita ko ang pangalan ni Louise sa listahan, the night before.

“Parang naalaala ko ang name na 'to, sinearch ko siya sa Internet, parang napaka-low key niya.

"Hindi ko alam ang hitsura niya 'tapos nakita ko siya sa audition, ang tangkad niya. Iba na ang hitsura niya.

"Yung looks pa lang ni Louise, nag-swak na.

"Yung acting naman niya, ever since, magaling naman siya,” salaysay ni Thop tungkol sa pagpili niya kay Louise bilang bida ng Edward.

Hindi lamang tungkol sa coming-of-age ng isang binatilyo ang kuwento ng Edward dahil ipinakita rin ni Thop sa pelikula ang nakakalungkot na kalagayan ng mga pasyente sa mga public at government-owned hospitals na naging advocacy niya.

“Sa tulong po ng writer ko, si Denise O'Hara, parang nabanggit nila and even yung brothers ko na nasa medical industry din, personal experience ito ng writers ko po na tumira sa ilalim ng kama habang nagbabantay sa loved ones nila na naka-confine.

Continue reading below ↓

“Na-fascinate ako, bakit walang nagkukuwento nito when, in fact, dapat siyang malaman ng mga tao.

"Dumating na ba tayo sa point na normal na’to? Na hindi na siya dapat karekla-reklamo?

"So, mas ginanahan ako na gawin ang Edward.

"Naging advocacy ko siya at a letter to situation sa public health care natin."

Edward ang pangalan ni Louise sa pelikula, pero may iba at mas malalim na kahulugan ang pamagat dahil nangyari sa charity ward (thus the title Edward) ng isang public hospital ang lahat ng mga karanasan ng lead character.

Postscript: Si Ella Cruz ang pinarangalang best supporting actress sa 2019 Cinemalaya Independent Film Festival dahil sa performance niya sa Edward.

Hindi nakadalo si Ella sa awards night ng Cinemalaya kaya hindi niya personal na natanggap ang kanyang acting trophy.

Nang makita namin si Ella sa pocket presscon para sa kanila ni Louise, ibinalita niyang siya mismo ang pumunta sa Cultural Center of the Philippines at kumuha sa kanyang acting award na ipinagmamalaki niya.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Louise Abuel (left) and Ella Cruz (right) star in the coming-of-age movie Edward directed by Thop Nazareno (center). The film is Graded A by the Cinema Evaluation Board.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results