Arra San Agustin, napaiyak dahil sa big break na bigay ng GMA-7

by Jojo Gabinete
Oct 1, 2019
Kapuso actress Arra Agustin on landing the title role in Madrasta: "Palagi ko pong ilu-look back na ito po yung pinakamalaki na nangyari sa buhay ko."
PHOTO/S: Noel Orsal

Pumatak ang luha ni Arra San Agustin sa grand presscon ng Madrasta kahapon, September 30.

Pinasalamatan niya ang management ng GMA-7 dahil ipinagkatiwala sa kanya ang title role.

Nag-umpisa ang showbiz career ni Arra nang sumali siya noong 2015 sa Season 6 ng StarStruck, ang reality-based artista search ng Kapuso Network.

Noong 2018, si Arra ang leading lady ni Ken Chan sa My Special Tatay pero ang role ni Rita Daniela ang umangat at napansin.

Ngayong 2019, si Arra ang napili ng Kapuso Network management para magbida sa Madrasta kaya tuwang-tuwa siya sa malaking break sa telebisyon na natanggap niya.

"Sobrang thankful and grateful, lahat-lahat na to the most extreme level!” pahayag ni Arra tungkol sa bagong chapter ng acting career niya.

"Gift po ito na para sa akin. In the future, hinding-hindi ko po talaga makakalimutan.

"Palagi ko pong ilu-look back na ito po yung pinakamalaki na nangyari sa buhay ko.

Continue reading below ↓

"Sobrang laking pasasalamat ko po sa GMA, at siyempre, sa buong production."

Nagpasalamat din si Arra sa director ng Madrasta na si kay Monti Parungao "dahil inaalagaan po nila kami."

Dugtong ng Kapuso actress: "Ito po yung first title role ko kaya sobrang overwhelmed, sobrang saya po ng nararamdaman ko.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Pero at the same time, siyempre po kinakabahan ako kasi, una, sa malaking tiwala na hinding-hindi ko po gustong ma-disappoint yung mga tao na nag-aalaga at nagtitiwala po sa akin."

Nagbigay-pugay rin si Arra sa American acting coach na si Anthony Bova at sa aktres na si Ana Feleo dahil nakatulong daw ang dalawa para sa paghahanda niya sa kanyang role sa Madrasta.

"Thankful ako na sobrang timely na dumating si Bova at kay Ate Anna na nag-workshop po sa amin.

"Sobrang dami kong natutunan."

Naniniwala rin daw siyang malaki ang naiambag ng mga previous shows niya at mga direktor na tumulong humubog sa kanyang pag-arte.

Continue reading below ↓

Ano pa ang ginawa niyang preparasyon para sa Madrasta?

"Aside from workshops, nanonood ako ng mga movie.

Pinanood ko rin yung Madrasta na ginampanan po ni Ms.Sharon Cuneta," tukoy ni Arra sa 1996 Star Cinema film ng Megastar.

Dagdag niya, "Although hindi naman siya remake pero as research.

"Nanonood po ako ng movies at nag-o-observe ako ng acting nila."

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Arra Agustin on landing the title role in Madrasta: "Palagi ko pong ilu-look back na ito po yung pinakamalaki na nangyari sa buhay ko."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results