Jeric Gonzales, nag-react sa pahayag ni Ruru Madrid tungkol sa "tunay na nanalo" sa Protégé

by Jojo Gabinete
Oct 2, 2019
Jeric Gonzales on Ruru Madrid: “Siguro po kung yun ang pinaniniwalaan niya, deserve din naman niya po na paniwalaan yun, kasi magaling din naman po talaga si Ruru."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Si Jeric Gonzales ang male grand winner ng second season ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break, ang talent search show ng GMA-7 noong 2012.

Runner-up niya si Ruru Madrid.

Si Ruru ang lead actor ng Cara X Jagger, ang pelikula ng APT Entertainment, Inc. na pinagbibidahan nila ni Jasmine Curtis-Smith.

Sa recent presscon ng Cara X Jagger, nagsalita si Ruru ng: “Alam naman ng lahat ang tunay na nanalo sa Protégé.”

Marami ang nakarinig sa nakakaintrigang pahaging ni Ruru, kaya ang reaksiyon ni Jeric tungkol sa tila kinukuwestiyong resulta ng batchmate niya sa Protégé ang aming itinanong sa kanya sa pocket presscon ng Magkaagaw, ang afternoon drama series ng GMA-7 na siya ang lead actor.

Ayon kay Jeric, “Siguro po kung yun ang pinaniniwalaan niya, deserve din naman niya po na paniwalaan yun, kasi magaling din naman po talaga si Ruru.

Continue reading below ↓

“Yung sinasabi naman po natin, yung Protégé, yung contest na yun, that contest itself...

"Pero pagkatapos nun, yun na yung totoong contest dito sa showbiz and, I think, si Ruru, malayo na yung narating niya.”

Protégé finalists (from left): Ruru Madrid, Elle Ramirez. Jeric Gonzales, Zandra Summer, Mikoy Morales, and Thea Tolentino

Continue reading below ↓

Sa tingin mo, may bitterness ang pagkakasabi ni Ruru dahil magbibida ka na?

“Wala naman po siguro," sagot ni Jeric.

"Deserve naman niya po na maniwala na ganoon.

"Pero yun nga, that night talaga, ako yung nanalo.

“Good friends naman kami ni Ruru.

"Kung yun ang sinabi niya, kapag nagkita kami, siguro sasabihin niya, joke lang yun kasi alam naman niya na ako talaga ang nanalo."

Si Jeric ang male grand winner ng Season 2 ng Protégé, pero si Ruru ang nabigyan ng lead roles sa mga drama series ng GMA-7.

May pagtataka ba o tinanong niya ang sarili dahil naunahan pa siya ng kanyang runner-up?

“At some point po,” matapat na sabi ni Jeric.

“Somehow, na-feel ko rin yun na andami niyang projects, 'tapos siya yung naging hot.

"Pero hindi po ako yung… to the point na dahil sa nakikita ko kay Ruru, madi-discourage na ako.

Continue reading below ↓

“Lalo pa akong na-motivate kasi alam ko, kaya ko rin yun.

"Darating din ako sa point na yun, tiyaga lang talaga.”

JERIC'S BIG ARTISTA BREAK

Ngayong dumating na ang pinakahihintay mong break, ano ang advantage mo sa ibang lead actor?

Sagot ni Jeric, “Ang advantage ko po, ngayong nandito na ako, mahirap na akong maging out of focus kasi eto na siya.

“Nakuha ko na siya, maganda na ang feeling ko.

"Like, sa katawan ko po, nakuha ko na siya, yung ideal weight ko, maganda na siya.

“I’ve done series of workshops with Anthony Bova para sa show na 'to.

"At yung feeling ko talaga ngayon, as an artista, parang habang tumatagal, natututo ako.

"Makikita ng mga tao na mas marami pa silang makikita sa akin, full of surprises.

"Sa tingin ko, yun ang edge ko sa ibang mga aktor."

Umaapaw na kaligayahan ang naramdaman ni Jeric nang sabihin sa kanya ng GMA-7 management na siya ang lead actor sa Magkaagaw dahil ito ang matagal na niyang hinihintay mangyari.

Continue reading below ↓

“Sobrang overwhelmed and na-touch kasi sa sobrang tagal ng panahon, yung GMA-7, talagang hindi siya nawalan ng pag-asa sa akin.

“This project, maganda talaga siya, magandang opportunity for me.

"Napi-feel ko ang love ng GMA na, eto na, gusto nila akong gawin na leading man.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Gonzales on Ruru Madrid: “Siguro po kung yun ang pinaniniwalaan niya, deserve din naman niya po na paniwalaan yun, kasi magaling din naman po talaga si Ruru."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results