Jerome Ponce, "nabudol" kaya pumayag gumanap na gay sa Ang Henerasyong Sumuko Sa Love

by Jojo Gabinete
Oct 2, 2019
Albie Casino, Jerome Ponce, and Tony Labrusca are the male leads in the millennial film Ang Henerasyong Sumuko Sa Love.
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagtagumpay ang direktor na si Jason Paul Laxamana na ipakita ang mga kasalukuyang problema ng mga kabataan sa pamamagitan ng Ang Henerasyong Sumuko sa Love, ang pelikula ng Regal Entertainment, Inc. na nagbukas ngayon, October 2, sa mga sinehan.

Tinatampukan ito nina Jerome Ponce, Jane Oineza, Albie Casiño, Myrtle Sarrosa, at Tony Labrusca.

Gaya ng sinabi ni Jason sa nakaraang press conference ng Ang Henerasyong Sumuko sa Love, hindi ito ordinary barkada movie dahil no-holds barred, hindi pa-cute at hindi pabebe ang mga karakter ng pelikula niya.

Naganap ang red-carpet premiere ng Ang Henerasyong Sumuko sa Love sa SM Megamall Cinema kagabi, October 1.

Mainit ang naging pagtanggap ng audience sa pelikula, base sa malalakas na palakpak at pagtili sa mga eksenang nagpakilig sa kanila.

Malaki ang naitulong kay Albie ng exposure nito sa Los Bastardos dahil kilalang-kilala na siya ng manonood.

Hubad si Albie sa karamihan ng mga eksena niya, at hindi siya nag-iisa dahil may mga ganitong eksena rin sina Jerome at Tony.

Continue reading below ↓

Vocal si Jerome sa pagsasabing hindi siya kumportable sa kanyang gay role sa Ang Henerasyong Sumuko sa Love, pero nabigyan niya ng hustisya ang karakter na ipinagkatiwala ni Direk Jason.

Kuwento ni Direk Jason, “Noong una, ayaw niya, natatakot siya.

"Gusto ni Jerome, ibang role.

"Sabi ko, 'Alam mo, feeling ko ikaw lang ang makagagawa nito.'

Continue reading below ↓

"Sabi ko sa kanya, 'I really see you as a good character actor.'

"I think it’s a pang-level up sa kanyang acting, and I’m very glad nagpa-budol naman siya sa akin."

Gay na ayaw ng commitment na sinubukan ang lahat ng social media platforms para makahanap ng sex partner ang challenging role ni Jerome.

Nagtagumpay rin si Direk Jason na burahin sa Ang Henerasyong Sumuko sa Love ang sex-object image ni Tony na tumatak sa publiko dahil sa Glorious.

Lastly, markado ang role ni Jane bilang vlogger na ginawa ang lahat para madagdagan ang followers niya sa social media.

Relate na relate ang young audience sa mga eksena ni Jane dahil nakita nila ang mga sarili sa karakter ng aktres, na malaki na ang improvement ng acting talent.

Para naman kay Regal producer Roselle Monteverde, nakaka-good vibes ang latest movie offering ng film company ng pamilya niya.

Continue reading below ↓

Sabi niya, “The movie just made me love my friends more!

"I want to shout out to my friends that I’ll always be available anytime they need a hug and ears to listen and a shoulder to cry on, share happy moments together."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Albie Casino, Jerome Ponce, and Tony Labrusca are the male leads in the millennial film Ang Henerasyong Sumuko Sa Love.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results