Asong co-star ni Sarah Geronimo sa Unforgettable, may diva attitude

by Jojo Gabinete
Oct 4, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal / Viva Films

Sa October 14 ang sixth wedding anniversary ng same-sex marriage ng mga direktor na sina Jun Lana at Perci Intalan.

Pero hindi pa sila makapagplano tungkol sa magiging pagdiriwang nila dahil busy pa ang dalawa sa editing ng Unforgettable, ang feel-good movie ni Sarah Geronimo na may playdate sa mga sinehan sa October 23, 2019.

Pinagtulungan nina Jun at Perci ang direksiyon sa Unforgettable dahil isa ito sa mga pinakamahirap na project nila.

Ayon kay Perci, “Ang sabi ko nga kay Jun, it takes yung experience niya sa Bwakaw dahil mahirap gumawa ng pelikula na may aso."

Ang Bwakaw ay ang 2012 movie ng yumaong veteran actor na si Eddie Garcia at ng asong si Princess.

Dagdag-paliwanag ni Jun, “’Saka yung deadline na ibinigay, we wanted to make sure na unlike the usual work flow na kapag nagdidirek ka, tumitigil yung editing.

"This time around, especially sa kalagitnaan ng shoot namin, kapag nagsasabay yung editing saka shoot, puwede siyang [Perci] mag-shoot, puwede akong mag-edit.

Continue reading below ↓

"So, hindi tumitigil yung process."

Ang Jack Russell Terrier dog na si Milo ang co-star ni Sarah sa Unforgettable.

“Super tiyaga” ang sagot ni Perci nang tanungin ito tungkol sa mga challenge na maging direktor ng isang aso.

Patuloy niya, “We were very lucky kay Sarah kasi she’s a dog lover.

"Sa laki ng star power niya, hindi siya nagde-demand na, ‘Huy, unahin niyo ako.’

“Alam niya na kapag aso, okay, pagtiyagaan natin ito. Hihintayin natin kung ready yung aso and she understood that.

"Mag-a-adjust ka talaga, para kang nagsu-shoot ng bata.

“Saka ite-train mo yung dog, as in yung trainer had to read the script, 'tapos every time na kukunan, dapat advanced notice.”

Ikinuwento naman ni Jun na nagkaroon ng sariling bonding moments sina Sarah at Milo bago inumpisahan ang shooting ng Unforgettable.

“She spends several weeks with the dog para magkaroon sila ng bonding at chemistry.

Continue reading below ↓

"By the time na nagsu-shoot kami, talagang super close na sila ng aso.

“Nagkaroon din kami ng audition. Maraming aso ‘yan, si Milo talaga ang nagwagi,” ang additional information ni Jun tungkol kay Milo, na sikat dahil may sariling YouTube channel at mga product endorsement.

Ani Perci, “Siya ang napili naman dahil mataas ang energy niya.

"Ang Jack Russell dogs, mataas ang energy. Parang lagi siyang on the go.

"Hindi siya mapakali, talagang aalis at aalis siya.

“So, ang masama diyan, kapag nagdadrama kunwari si Sarah at ang bigat ng eksena, sorry, one more take tayo kasi umalis yung aso.”

Inamin ni Perci na may diva attitude si Milo dahil may mga eksenang iniiwan nito si Sarah sa kalagitnaan ng shooting.

Ang mga nakatutuwang kuwento nina Jun at Perci tungkol sa mga kakayahan ni Milo sa pag-arte ang patunay na mas mahusay itong umarte kesa sa ibang mga artistang tao na matagal na sa showbiz pero nananatiling bano sa acting department.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal / Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results