Pangulong Rodrigo Duterte, winarningan ang lalaking ipinakilala ng bunsong anak na si Kitty

by Jojo Gabinete
Oct 3, 2019
President Rodrigo Duterte to the guy that daughter Kitty Duterte introduced to him: “Huwag mong hawakan ang kamay. Huwag mong halikan ‘yan, hindi pa puwede at hindi sawsawan ‘yan. Huwag na huwag mong gawin... Kapag ginawa mo ‘yan… I hope that you remember that for all time."
PHOTO/S: Kitty Duterte Twitter

Tatay na tatay na may malaking concern sa kanyang mga anak na babae si President Rodrigo Duterte nang magkuwento ito tungkol kina Inday Sara at Veronica aka Kitty, ang 14-year-old daughter niya.

Unang ibinahagi ni Duterte sa mga bisita sa isang event na pinuntahan niya ang pagpapakilala sa kanya ni Kitty sa kaibigan nitong lalaki—isang high school student na nag-aaral sa Davao City.

Lahad ng Pangulo, “Ang Veronica ko, nagdala ng lalaki, gusto daw ako makilala. Sabi ko, walang problema.

“Sabi ko, 'Ano ka ba?' High school pa, parang mag-graduate na, going to college.

"'Tapos, nung usap, sabi ko, 'Yang anak ko, kaisa-isa ‘yan sa aking asawa na si Honeylet,'" pagtukoy ng Pangulo sa kanyang common-law wife na si Honeylet Avanceña.

"'Mahal namin ‘yan, ngayon gusto mo akong makilala, at least, madali kitang hanapin.'

"Sabi ko sa kanya, 'My daughter is very young and we love her very much.'

Continue reading below ↓

"You know, para sa aming mga tatay... I will not talk about the mother because I don’t know what they are feeling of being a woman sa anak niya, pero ako mahal ko ‘yan.

"Sabi ko, 'Just be patient, bata pa ‘yan.'

"Sabi ko, 'No physical. Basta huwag mong hawakan maski kamay, okay? She’s only fourteen.'

"'How old are you?' Sabi niya, ‘Seventeen.’

“Sabi ko, 'Huwag mong hawakan ang kamay. Huwag mong halikan ‘yan, hindi pa puwede at hindi sawsawan ‘yan. Huwag na huwag mong gawin.'

"Tinitingnan ko, 'Kapag ginawa mo ‘yan… I hope that you remember that for all time.'"

Ikinatawa ng mga bisita na nakikinig sa kanya ang kuwento ni Duterte.

Sinabi rin ng Pangulo na dapat pahalagahan ng mga kababaihan ang kanilang virginity dahil ito ang pinakamahalagang maibibigay sa mga lalaking pakakasalan nila.

"Alam ko hindi na uso ‘yan. Everybody is into it at an early age.

Continue reading below ↓

"Pero ako, I’m one of the remaining sa old school.

"But you know, every one generation, may culture talaga. They have a different culture.

"With the advent of this, itong electronics, kaya na nilang alamin ang lahat.

"If they want to see pornography, kaya nila. Yung mga tawag nila na Rated R, kaya nilang pumasok.

"The only way we can... is constant advice, words of love.

"Hindi madala ang bata kung sigaw-sigawan mo, magrebelde, at saka lumalaban talaga."

PRESIDENT DUTERTE ON INDAY SARA

Sabi pa ni Duterte, "Itong si Sara ko rin, hindi ko pinalo ‘yan, pero paglaki, iba na.

"When she was in high school, nag-aral ‘yan ng shooting, kasama ako.

"One day, lumabas siya, may holster na, may dalang .45.

"Sabi ko, 'Saan ka punta?' Sabi niya, 'Mamasyal.' Naka-45?

"Ano ba itong si Sara, tomboy ‘to? 'Tapos, naka-motor...

"'Yan ang mga ano sa buhay niyo na hindi mapigilan lalo na kung nakikita nila.

Continue reading below ↓

"Kapag nakita ng mga anak mo na may tattoo ka, nung nagpa-tattoo lahat sila, hindi ko mapigilan.

"'Yan ang learning process ng buhay, so it’s kind of hard to raise up a son or daughter nowadays.

"Sabi ko nga, the world is so open to them and they have access to everything.

"Would you believe it—I hope you’d believe it, it’s true—I have not talked to Inday outside of yung birthday ng nanay or ni yaya, she does not talk to me.

"She does not consult me at yung siya yung nagpa-plaster ngayon kung sino ang tatakbo dito, siya yung mayor, yung kapatid congressman.

"'Tapos, yung bunso namin, sabi niya, ‘Ikaw ang vice mayor.'

"'Tapos sasabihin ni Sebastian, 'Te, ayoko man ‘yan, ayoko te.'

"'Sinabi nang ikaw yung vice mayor na, e.'

"'Sige na lang, ‘te, sorry ‘te.'

Continue reading below ↓

"Ganoon!” ang mga anekdota ni President Duterte tungkol sa kanyang mga anak na babae.

Sina Sara, Paolo, at Sebastian o Baste ay mga anak ng Pangulo sa una niyang asawa na si Elizabeth Zimmerman.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
President Rodrigo Duterte to the guy that daughter Kitty Duterte introduced to him: “Huwag mong hawakan ang kamay. Huwag mong halikan ‘yan, hindi pa puwede at hindi sawsawan ‘yan. Huwag na huwag mong gawin... Kapag ginawa mo ‘yan… I hope that you remember that for all time."
PHOTO/S: Kitty Duterte Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results