Ruru Madrid, hindi nakakalimutan ang tungkulin bilang miyembro ng Iglesia Ni Cristo

by Jojo Gabinete
Oct 4, 2019
Ruru Madrid on being a devout INC member despite pilyo image: "Hindi naman ibig sabihin na kapag ganoon yung pag-uugali mo o nakikita ng mga tao, hindi ka na marunong manalangin, hindi ka na marunong maglingkod sa Diyos o nakalimutan mo na siya."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Hindi pa sinasagot ni Ruru Madrid ang reaksiyon ni Jeric Gonzales tungkol sa sinabi niya sa Cara X Jagger presscon na “Sino ba ang panalo sa Protégé talaga?” na sinundan niya ng malakas na halakhak.

Nagbabakasyon sa Bali, Indonesia sina Ruru, Bianca Umali, at ang kanilang mga kaibigan nang sagutin ni Jeric ang pahayag ng runner-up nito sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break, ang talent search ng GMA-7 noong 2012.

Nakunan ng video ang sinabi ni Ruru sa presscon ng upcoming movie nila ni Jasmine Curtis-Smith kaya mahirap itanggi ang insidente.

Tulad ng opinyon ni Jeric, puwedeng sabihin ni Ruru na nagbibiro lamang ito dahil naturally naughty ang batchmate niya sa Protégé, na madalas misunderstood ng mga taong hindi nakakakilala sa kanyang tunay na ugali.

Ang hindi alam ng publiko, sa kabila ng pilyong image ni Ruru, faithful member siya ng Iglesia Ni Cristo (INC).

Continue reading below ↓

Hindi siya tumatanggap ng mga commitment na makakaapekto sa kanyang pagsamba tuwing Huwebes at Linggo.

Pahayag ni Ruru, “I can do all things basta nasa tabi ko lang si God at hindi ko makakalimutan yung paniniwala ko sa Kanya.

"Yun siguro ang nagpapalakas ng loob ko na every time na nakaka-feel ako ng self-doubt o anxiety, nagpe-pray lang ako lagi na, 'Kaya ko po ito kasi nandiyan po Kayo.'

“Honestly, hindi alam ng mga tao na twice a week ako nagsisimba.

"Na active ako sa church ko, like, pumupunta ako sa iba’t ibang activities or sa iba’t ibang events sa church ko.

“Siguro, yun ang mga hindi alam ng mga tao tungkol sa akin, kasi alam nila, pilyo ako. Alam nila maloko ako…

"Sabi nga nila, yung term na maginoo pero medyo basto.

"E, lalaki ako. Saka isa pa, binata ako, 21 years old ako, at yun ang nakalakihan ko.

Continue reading below ↓

“Ang tatay ko, ganyan din.

"So, hindi naman ibig sabihin na kapag ganoon yung pag-uugali mo o nakikita ng mga tao, hindi ka na marunong manalangin, hindi ka na marunong maglingkod sa Diyos o nakalimutan mo na siya."

PROUD TO BE AN INC

Ipinagtapat ni Ruru na maliit na bata pa lamang siya, naging handog na siya ng kanyang mga magulang sa kanilang simbahan.

“Super proud ako. Lagi kong ipinu-post ‘yan dahil every time na makakakita ako ng mga church ng INC, nakaka-proud, kasi ang gaganda, nandoon ang Philippine Arena.

"'Tapos, every time na nagpupunta ako sa mga tinatawag namin na Lingap, tumutulong kami sa mga tao, kahit hindi part ng INC, binibigyan namin sila ng mga tulong.

"Nakaka-proud na may mga ganoon po."

Dagdag pa niya, "Hindi kami lumilipad ng ibang bansa na walang kapilya. Kailangan, maghanap muna kami ng church."

Sa tuwing may mga bago siyang movie o TV assignments, sinasabi agad ni Ruru sa production staff na hindi siya puwedeng magtrabaho sa mga araw ng pagsamba niya sa Iglesia Ni Cristo dahil sagrado ito para sa kanya.

Continue reading below ↓

“Kapag Sunday PinaSaya, 4 P.M. ang pagsamba ko, kasi 2:30 tapos na po yung SPS.

"Hahabol po ako diyan sa Commonwealth [church]. Ako lang po ang nagda-drive.

“Like, for example, magdilang-anghel ako na maging big star ako someday, ite-take ko na po yung power ko to tell the production na basta po yung Thursday ko, basta po yung Sunday ko, pakibantayan po talaga dahil kailangang-kailangan ko.

“Sa amin pong mga Iglesia, hindi namin puwedeng sabihin na may trabaho ako, kasi ang dami pong oras.

"Like, kapag hindi ka puwede ng Thursday, may Wednesday. Kapag hindi ka puwede ng Sunday, may Sabado.

"Napakaraming oras po nun. May 5:45 A.M., ganoon po ang ginagawa ko kapag may Sunday PinaSaya, sumasamba muna ako," pahayag ni Ruru.

Nagiging masama raw ang pakiramdam ni Ruru kapag hindi siya nakakasamba dahil hindi niya nagawa ang kanyang mga tungkulin bilang miyembro ng INC.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid on being a devout INC member despite pilyo image: "Hindi naman ibig sabihin na kapag ganoon yung pag-uugali mo o nakikita ng mga tao, hindi ka na marunong manalangin, hindi ka na marunong maglingkod sa Diyos o nakalimutan mo na siya."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results