Sarah Geronimo, ni-revive ang "Ang Tangi Kong Pangarap" para sa Unforgettable

by Jojo Gabinete
Oct 4, 2019

Inilabas ng The Idea First Company at ng Viva Films ngayong gabi, October 4, ang full trailer ng Unforgettable, ang pelikula ni Sarah Geronimo na mapapanood sa cinemas nationwide simula sa October 23, 2019.

Sa mediacon ng Unforgettable kahapon, October 3, sinabi ng mga direktor na sina Jun Lana at Perci Intalan na nakakaiyak ang full-trailer ng pelikula at napatunayan na totoo ang kanilang mga pahayag.

May mga napaluha sa full trailer ng Unforgettable, na mapapanood sa YouTube, dahil bukod sa “special girl” character ni Sarah, malakas ang haplos sa puso ng ginamit na theme song, ang "Ang Tangi Kong Pangarap," ang six-year-old song ng former Rivermaya vocalist na si Rico Blanco.

Ikinukumpara ang "Ang Tangi Kong Pangarap" sa "Isa Pang Araw," ang theme song ng Miss Granny na inawit ni Sarah at matindi rin ang impact sa listeners at moviegoers.

Ang tagos sa pusong revival at rendition ni Sarah sa "Ang Tangi Kong Pangarap" ang isa sa mga tiyak na mapapansin dahil higit na madamdamin ito kesa sa version ng original singer.

Continue reading below ↓

Ang kanyang mga mahal sa buhay ang nasa isip ni Sarah nang i-record ang potential hit na "Ang Tangi Kong Pangarap"

Sabi niya sa Cabinet Files, “Lahat po ng mga mahal ko sa buhay.

"Siyempre, hindi ko maiwasang hindi ko maisip ang mga alaga kong aso kasi, no joke, talagang buhay ko po sila as in malaking parte sila ng sanity ko.

“Yung emotional support na ibinibigay nila sa akin, grabe.

"Sabi ko nga, napi-picture ko yung sarili ko na kahit tumanda ako na sila lang ang kasama ko, okey lang, kasi grabe sila magmahal.

“Of course, naiisip ko rin ang family ko, lahat ng mga mahal ko sa buhay and, of course, my character.

"Importanteng isinasama pa rin po natin kasi kanta yun ng karakter ko, e."

Ayon naman kay Perci, malakas ang impact at makabagbag-damdamin ang trailer ng Unforgettable dahil mahusay ang cast at maganda ang theme song.

Continue reading below ↓

“Ang galing kasi ng cast, si Sarah, si Happy [Milo, the dog], at si Tita Gina [Pareño].

"At ang ganda ng kanta. Magaling rin ang scoring na ginawa ni Emerson Texon at ang editing ni Lawrence Ang."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results