Paolo Ballesteros, binasag ang record sa patagalan ng hindi pagkurap

by Jojo Gabinete
Oct 6, 2019
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook

Si Paolo Ballesteros at hindi na si Pauleen Luna ang record-holder sa celebrity edition ng "Bawal Kumurap, Nakamamatay ng Suwerte," ang bagong game segment ng Eat Bulaga.

Naagaw ni Paolo mula kay Pauleen ang record nito sa October 5 telecast ng Eat Bulaga.

Nalampasan ni Paolo ang mahigit kalahating oras (30:44 to be exact) na hindi pagkurap ni Pauleen dahil tumagal ng isang oras, 17 minuto, at tatlong segundo ang hindi pagkurap ng kanyang mga mata.

Continue reading below ↓

Tinalo rin ni Paolo ang kalaban niyang si Allan K. na unang sumuko dahil hindi nito napigilan ang sarili na huwag kumurap.

Past 2 P.M. nang magsimula ang tapatan nina Allan K. at Paolo sa hindi pagkurap sa Saturday telecast ng Eat Bulaga! kaya inabutan sila ng pagwawakas ng programa.

Continue reading below ↓

Ipinagpatuloy ng dalawa ang laban sa Facebook live ng kanilang noontime program, at si Paolo na namula nang husto ang mga pisngi ang itinanghal na winner.

Hindi lamang ang record ni Pauleen sa hindi pagkurap ang tinalo ni Paolo dahil nalagpasan din nito ang world record na isang oras at 5.61 seconds na naitala ni Michael Thomas noong March 8, 2015 sa contest na Longest Time To Keep Eyes Open Without Blinking.

Naglaban din sa Saturday edition ng "Bawal Kumurap" si Gladys Reyes ng Madrasta at Martin del Rosario ng The Gift na parehong pumatak ang luha dahil sa matagal na hindi pagkurap.

Si Gladys ang nanalo sa tapatan nila ni Martin na teammate ni Paolo.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results