Detalye ng burol at libing ni Amalia Fuentes, inilabas ng pamilya ng movie queen

by Jojo Gabinete
Oct 5, 2019
Magsisimula ang public viewing para sa mga labi ni Amalia Fuentes bukas, October 6, sa Mt. Carmel Church.
PHOTO/S: Facebook

Nakaburol sa Arlington Memorial Chapels & Crematory sa Araneta Avenue, Quezon City, ngayong gabi, October 5, ang bangkay ni Amalia Fuentes.

Sumakabilang-buhay kaninang umaga ang 79-year-old former movie queen.

Private family viewing ang kasalukuyang nagaganap sa Arlington Memorial Chapels & Crematory.

Bukas, October 6, dadalhin ang mga labi ng pumanaw na aktres sa Mt. Carmel Shrine sa Doña Juana Avenue, New Manila, Quezon City para sa public viewing.

Hindi kalayuan ang Mt. Carmel Shrine sa tahanan ni Amalia sa Magdalena Rolling Hills, New Manila, Quezon City.

Magsisimula bukas ang public viewing mula 7 P.M. hanggang 12 A.M.

Mula 1 P.M. hanggang 12 midnight naman ang oras ng public viewing sa Lunes, October 7, at isang banal na misa ang idaraos ng 7:30 P.M.

Napagkasunduan ng naulilang pamilya ni Amalia na ihatid ito sa kanyang huling hantungan sa Martes, October 8.

Pero hindi pa nila sinasabi ang pangalan ng memorial park na paglalagakan sa mga labi ng veteran actress, na itinuturing na isa sa mga reyna ng pelikulang Pilipino.

Continue reading below ↓

Isang holy mass ang idaraos sa Mt. Carmel Shrine sa October 8 sa ganap na alas-otso ng umaga bago dalhin si Amalia sa final resting place niya.

Read Next
Read More Stories About
Amalia Fuentes, hardcore fans
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magsisimula ang public viewing para sa mga labi ni Amalia Fuentes bukas, October 6, sa Mt. Carmel Church.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results