Patricia Javier, itinuwid ang haka-hakang binawian siya ng korona

by Jojo Gabinete
Oct 5, 2019
Patricia Javier clarified rumors alleging that she was stripped off her 2019 Mrs. Universe Finest Woman. She clarified that she chose to represent the country instead in the forthcoming 2019 Noble Queen of the Universe pageant to be held in the country on December 1, 2019.
PHOTO/S: Patricia Javier Instagram

Itinuwid ni Patricia Javier ang maling akala at balitang hindi na siya ang reigning Mrs. Universe Finest Woman dahil isinuko na niya ang kanyang korona.

Ipinaliwanag ni Patricia na walang katotohanan ang balitang dethroned o binawi ang kanyang korona at beauty title kaya ibang kandidata na ang representative ng Pilipinas sa Mrs. Universe 2019 na magaganap sa Guangzhou, China mula December 22, 2019 hanggang January 1, 2020.

Sinabi ni Patricia na pinili niyang lumaban sa Noble Queen of the Universe 2019 na idaraos sa Pilipinas sa December 1, 2019 dahil wala itong conflict sa annual Christmas vacation ng kanyang pamilya sa Amerika.

Nangako si Patricia na gagawin nito ang lahat para manalo siya sa international beauty pageant na sasalihan niya sa December 1 dahil tagumpay ng mga Pilipino ang kanyang tagumpay.

Nakausap si Patricia ng Cabinet Files sa 50th anniversary ng Rotary of Cubao na ginanap ngayong gabi, October 5, sa Novotel dahil siya ang special celebrity model ng fashion designer na si Don Cristobal.

Continue reading below ↓

Malakas na palakpakan ang sumalubong kay Patricia nang rumampa siya sa Fashion for Passion, ang fund-raising event ng Rotary Club of Cubao, ang benefactor ng Love Yourself PH, Dugong Alay Dugtong Buhay, at Philippine Cancer Society.

Si Veronica Ho ang chairman ng Fashion for Passion na nagbigay rin ng parangal sa mga Pilipino na may malaking kontribusyon sa lipunan.

People of Inspiration awardee ang multi-awarded writer na si Ricky Lee at ang fashion designers na sina Albert Andrada at Jun Escario.

Tinanggap naman ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang Ambassador for Humanity award.

Naglilingkod si Pia bilang UNAIDS Goodwill Ambassador for Asia and the Pacific mula pa noong 2016.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patricia Javier clarified rumors alleging that she was stripped off her 2019 Mrs. Universe Finest Woman. She clarified that she chose to represent the country instead in the forthcoming 2019 Noble Queen of the Universe pageant to be held in the country on December 1, 2019.
PHOTO/S: Patricia Javier Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results