Kuya Germs at Mayor Isko Moreno, binigyang parangal sa That's Entertainment reunion

by Jojo Gabinete
Oct 6, 2019
Muling nagsama-sama ang ilang mga miyembro ng dating youth-oriented show ni Kuya Germs na That's Entertainment kagabi, October 5.
PHOTO/S: Courtesy of Sharmaine Arnaiz

Ang Salu restaurant na pag-aari ni Harlene Bautista ang venue ng That’s Entertainment members reunion na naganap kagabi, October 5, 2019.

Triple celebration ang nangyari dahil bukod sa kanilang muling pagsama-sama, ginunita ng That’s Entertainment stars ang 86th birth anniversary ni German Moreno noong October 4.

Continue reading below ↓

Si German na kilala ng lahat bilang Kuya Germs ang utak at nasa likod ng tagumpay ng That’s Entertainment, ang youth-oriented variety show na nagsimula noong January 6, 1986 at natapos noong May 3, 1996.

Binigyan din ng parangal sa That’s Entertainment reunion ang former member na si Isko Moreno.

Continue reading below ↓

Kinilala ng mga dating kasamahan niya sa programa ang mga kontribusyon ni Isko bilang bagong halal na mayor ng Maynila sa pamamagitan ng isang plaque of appreciation.

Dumalo sa pagtitipon ang anak ni Kuya Germs, si MTRCB board member Federico Moreno, ang kanyang pamangkin na si John Nite, at ang dating talent coordinator ng That’s Entertainment na si Carmelites Rigonan.

Continue reading below ↓

Sina Sharmaine Arnaiz, Assunta de Rossi, Patricia Javier, Tina Paner, Jennifer Sevilla, Jaypee de Guzman, Ian Veneracion, Ana Abiera, Migui Moreno, Vincent Berba, Manolet Ripoll, Dranreb Belleza, Vina Morales, Nadia Montenegro, Ramon Christopher, Jovit Moya, Romano Vasquez, Karen Timbol, Melissa Silvano, at marami pang iba.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Muling nagsama-sama ang ilang mga miyembro ng dating youth-oriented show ni Kuya Germs na That's Entertainment kagabi, October 5.
PHOTO/S: Courtesy of Sharmaine Arnaiz
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results