Cesar Montano, Phillip Salvador umalma sa akusasyong pera ng bayan ang pinang-shopping sa Russia

by Jojo Gabinete
Oct 7, 2019
Cesar Montano (in black, holding two shopping bags) at Phillip Salvador, nilinaw na wala silang talent fee nang sila ay dumalo sa pagtitipon ng OFWs sa Moscow, Russia, nang bumisita roon si President Rodrigo Duterte.
PHOTO/S: CTTO

Hindi lamang ang libreng plane fare at hotel accommodation na diumano’y ginastusan ng bayan ang mga paratang laban kina Phillip Salvador at Cesar Montano nang isama sila ni President Rodrigo Duterte sa recent trip nito sa Russia.

Nakunan ng litrato sina Phillip at Cesar na may bitbit na shopping bags na naglalaman ng rubber shoes na pasalubong sa kanilang mga mahal sa buhay, kaya inaakusahan din silang pera ng bayan ang ginastos nila.

Natukoy na nina Phillip at Cesar ang nag-post sa social media ng kanilang stolen shot image—ang empleyado ng isang television network sa Pilipinas na tila may ibang motibo.

Dahil kung nag-imbestiga raw ito nang mabuti, malalaman nitong sale at mas mura sa Russia ang presyo ng mga sapatos na binili ng dalawang aktor.

Ang larawan nina Phillip at Cesar na may mga dalang shopping bags ang dahilan para madagdagan ang mga batikos laban sa kanila kaya ipinagtanggol sila ni Robin Padilla.

Continue reading below ↓

Kahapon, October 6, bumalik sa Pilipinas sina Phillip at Cesar.

Pero bago umalis sa Russia, nakipagkita muna sila sa mga miyembro ng Filipino community sa Moscow.

Libre ang pagtatanghal nina Phillip, Cesar, at Robin para sa mga Pilipino sa Russia kaya masakit umano para sa kanila na pagbintangang pera ng bayan ang kanilang ginagasta sa tuwing kasama sila sa mga state visit ni Duterte.

Noong May 2017, kasama rin sa Russia trip ni President Duterte sina Phillip, Cesar, at Robin.

Pero hindi noon natuloy ang dapat sana'y free show nila para sa mga kababayan natin sa Moscow.

Nagkataong sumiklab ang giyera sa Marawi, kaya na-cut short noon ang pagbisita ng Pangulo sa naturang bansa.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cesar Montano (in black, holding two shopping bags) at Phillip Salvador, nilinaw na wala silang talent fee nang sila ay dumalo sa pagtitipon ng OFWs sa Moscow, Russia, nang bumisita roon si President Rodrigo Duterte.
PHOTO/S: CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results