Regine Velasquez, nakaranas ng diskriminasyon sa Louis Vuitton store sa New York

by Jojo Gabinete
Oct 7, 2019
Asia's Songbird Regine Velasquez inilahad ang naranasan niyang diskriminasyon nang pumasok sa isang Louis Vuitton store sa New York para bumili sana ng sapatos.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Comparable sa isang eksena sa Pretty Woman, ang blockbuster movie ni Julia Roberts noong 1990, ang personal experience ni Regine Velasquez sa Louis Vuitton store sa New York noong dalaga pa siya.

Sa Pretty Woman, nakaranas ng discrimination si Vivian Ward, ang karakter na ginampanan ni Julia, nang pumasok ito sa isang high-end boutique sa Beverly Hills, Los Angeles, California.

Hindi inasikaso si Vivian ng salesclerk dahil sa hitsura at pananamit niya pero bumalik siya sa tindahan para ipamukha ang ginawa sa kanya nang magkaroon siya ng complete transformation sa tulong ng rich businessman na si Edward Lewis (Richard Gere).

Reminiscent ng eksena sa Pretty Woman ang personal experience ni Regine na ikinuwento nito sa kanyang YouTube Channel.

Ayon kay Regine, “The story was I went to New York to find this particular shoes.

"I went to Louis Vuitton, yun yung may pinakamalaking Louis Vuitton.

“I went, I was so excited, kasi tour yun, e, so I couldn’t wait to go to New York to get this freaking shoes.

Continue reading below ↓

"And when I got there, nakita ko na, nandoon sa display.

“Sa umpisa pa lang, sinabi agad sa akin, wala akong size… hindi ako binilhan [binentahan].

“Sabi ko, 'Can I at least try them on?' Sabi ng guy, ‘No!’ Sabi talaga… ganoon.

"Na-discriminate agad ang lola niyo so na-depress ako nang very, very light."

Patuloy ng Asia's Songbird, “I went to Neiman Marcus. Katapat lang ni Louis Vuitton si Neiman Marcus.

"Si Neiman Marcus, maraming branded shoes.

"Nagwala ako doon, ang ending ko, ang iniuwi ko ay twenty pairs of shoes kasi na-depress ako!

“Kasi may nakilala akong black guy...

"Again, I was being discriminated. No one was making me pansin.

"Yung lahat sila, nagsusukat. Walang pumapansin sa akin.

"Until this guy came to me and then he said, ‘Do you need help?’

“Parang maiiyak ako, ‘Yes, I need help.’

Continue reading below ↓

“So, lahat ng itinuro ko, binili ko talaga, so ang happy niya.

"Super happy siya samantalang yung ibang buwisit na nandoon, nagtitinginan sila, kasi yung mga ibang nagsusukat doon, walang binili, ‘te.”

Matapos bumili ng 20 pares ng sapatos sa Neiman Marcus, naging Vivian Ward si Regine dahil bumalik siya sa Louis Vuitton store para sa sapatos na gustung-gusto niya.

“Anyway, pagkatapos kong bilhin yung twenty pairs, pumunta uli ako sa Louis Vuitton.

“Nung marami na akong bitbit, pinapasok ako sa loob ng Louis Vuitton at nabili ko siya.

“‘Yan ang story ng Louis Vuitton shoes na ito," sabi ni Regine habang hawak-hawak ang sapatos na tinutukoy niya.

Patuloy niya, "But, you know, it’s okay, kasi I don’t think you should feel bad kapag nadi-discriminate ka.

"You go back and, like, kick some ass!”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Asia's Songbird Regine Velasquez inilahad ang naranasan niyang diskriminasyon nang pumasok sa isang Louis Vuitton store sa New York para bumili sana ng sapatos.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results