Comedienne Divine Aucina, deadma sa bashers na apektado sa pag-amin niyang hindi na siya virgin

by Jojo Gabinete
Oct 7, 2019
Paalala ni Divine Aucina, hindi dapat tularan ng mga kabataang babae ang ginawa niya para lang ma-satisfy ang curiosity.
PHOTO/S: @divs Instagram

Alam ng comedienne na si Divine Aucina na pinag-usapan ang kanyang rebelasyon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 2019 na hindi na siya virgin.

Bagamat nakatanggap siya ng pambabatikos dahil sa pagiging prangka niya, marami rin umano ang bumilib sa tapang na ipinamalas niya.

Sinabi rin ni Divine na hindi naging isyu sa kanyang pamilya ang pag-amin niyang hindi na siya virgin.

"Hindi na naungkat. They're family, e. At the end of the day, you will love each other. Actually, walang reaksyon," lahad ni Divine.

Nakausap siya ng Cabinet Files sa presscon ng Madrasta, ang tinatampukan niyang afternoon drama series ng GMA-7 na nitong Lunes, October 7, 2019, ang pilot telecast.

Hindi rin nakatikim si Divine ng mga panghuhusga mula sa kanyang mga kaibign na sinabi niya"vng ery accepting" sa mga binitawan niyang pahayag noon.

Nang mabasa naman ni Divine ang report ng PEP.ph tungkol sa kanyang rebelasyon, ikinagulat niya ang reaksiyon ng publiko.

Continue reading below ↓

"Nagulat ako. Bilang tayo ay nasa conservative na bansa, kapag sinabi mo talaga yung salitang virgin, kapag sinabi mo yung salitang sex, medyo nawiwindang ang mga tao. And I respect that.

"I respect their opinion kasi I also want my opinion to be respected.

"Dinaanan ko lang yung comments nila. And all throughout my reading, ang nasa isip ko lang talaga, opinyon nila ito, e.

"You’ve given them the platform to express their opinion, therefore, accept their opinion.

"Alam ko naman sa sarili ko na kung anuman yung sinabi nila, malayo naman ako doon.

"I have my own belief, I have my own personality, and I am very different from what I portray on television.

"I mean, iba ako as a person so I am very secure with myself. Alam ko na hindi ako mabubuwag."

Nevertheless, sinabi ni Divine na may naramdaman siyang pagsisisi sa kanyang ipinagtapat.

"May konting regret because tama ba yung nasabi ko or should I have done better? To be honest, transparent kasi ako na tao.

Continue reading below ↓

"So for now, iniisip ko, inaaral ko, paano ko ba maire-relay ang aking thoughts na hindi offensive sa tainga, hindi alarming masyado."

Paalala naman ni Divine, hindi dapat tularan ng mga kabataang babae ang ginawa niya para lang ma-satisfy ang curiosity.

"May mga pamangkin ako na babae and I do not want them to do the same. Ayokong mag-regret sila sa mga bagay na importante.

"The good thing about me, I have learned na ako ay responsableng tao sa sarili ko.

"Na-handle ko nang maayos and I have the best guidance from my family. Magandang support sila."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paalala ni Divine Aucina, hindi dapat tularan ng mga kabataang babae ang ginawa niya para lang ma-satisfy ang curiosity.
PHOTO/S: @divs Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results