Shirley Fuentes, na-Gong sa Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions

by Jojo Gabinete
Oct 8, 2019
Ang dating miyembro ng That's Entertainment na si Shirley Fuentes ang kauna-unahang celebrity contestant na na-Gong sa "Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions" ng It's Showtime.
PHOTO/S: Facebook

Ang former That’s Entertainment member na si Shirley Fuentes ang kauna-unahang celebrity contender na nakatikim ng malakas na Gong sa Tuesday edition ng "Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions" ng It’s Showtime.

Si Jaya ang punong hurado ng "Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions" at desisyon niyang i-Gong si Shirley.

Nalimutan ang lyrics at sintunado ang pagkakanta ni Shirley sa "Luha," ang kanta na pinasikat ng Aegis band.

“Hindi kita masisisi.

"Siguro, this is not a song na kinakanta mo or hindi lang nagtugma yung ginagawa mo sa inensayo niyo kanina.

“Ang daming pumapasok na kaba.

"So, sorry talaga, pero kinailangan kitang i-Gong kasi talagang nagkamali ka sa mga parte na narinig namin.

"Pero alam ko kung gaano ka kagaling kumanta. Don’t let that discourage you. We love you," ang apologetic at may pakonsuwelong mensahe ni Jaya kay Shirley na halatang kinabahan kaya nalagay sa isang very awkward situation.

Continue reading below ↓

Sinabi naman ni Vice Ganda na baka nanibago si Shirley sa arrangement ng kanta, na sinang-ayunan ng aktres.

Aniya, “Iba yung areglo kasi.”

Naging gentleman naman ang "Tawag ng Tanghalan" hurado na si Randy Santiago kay Shirley.

Tulad ni Jaya, pinuri muna ni Randy si Shirley.

Sabi ni Randy, “Actually, nakakasama ko ‘yan sa gigs ko at alam natin yung ganda ng boses ni Shirley.

"Katulad ng sinabi ni Punong Hurado Jaya, song choice. Hindi ko inakala na kakantahin mo ‘yan, e.

"Usually, ang mga naririnig ko sa 'yo ballads and love songs, na napakaganda kapag kinakanta mo.

“Alam naman natin na Aegis song ‘yan at maraming-maraming... kaya mo naman.

"Siguro nga, gaya ng sabi nila, medyo nalito ka lang sa areglo."

Ayon naman sa "TNT" hurado na si K Brosas, nagkamali lamang si Shirley sa pagpasok ng lyrics pero wala pa ring kupas ang boses ng aktres.

Continue reading below ↓

Para makabawi si Shirley, hiniling ni Vice Ganda na kantahin niya ang "Help" na kanyang panlaban sa mga singing contest bago siya naging member ng That’s Entertainment.

Pinagbigyan ni Shirley ang sample request ni Vice Ganda, pero sa kasamaang-palad, tulad ng "Luha," off-key pa rin ang pag-awit niya sa "Help" na sign na hindi magandang kumbinasyon ang mga nabanggit na kanta para sa kanyang boses.

Postscript: Nag-umpisa kahapon, October 7, ang "Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions" ng It’s Showtime.

Ang voice coach na si Thor Dulay ang itinanghal na daily winner.

Sina Jay-R Siaboc, Lance Raymundo, at ang It’s Showtime dancer na si Stephen Robles ang mga nakalaban ni Thor kahapon.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang dating miyembro ng That's Entertainment na si Shirley Fuentes ang kauna-unahang celebrity contestant na na-Gong sa "Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions" ng It's Showtime.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results