Female singer, sinalo ng kaibigang lesbian ng dating lover na aktres

by Jojo Gabinete
Oct 8, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Sinuwerte ang female singer na produkto ng isang talent search sa telebisyon dahil mayaman ang karelasyon niya sa kasalukuyan—ang lesbian na kaibigan ng kanyang ex-lover.

"Aktres" ang dating nagmamay-ari sa puso ng female singer, pero hindi nila mailantad noon sa publiko ang kanilang pagmamahalan dahil menor de edad pa ang huli.

Pinag-uusapan ng mga empleyado ng TV network ang relasyon ng female singer at ng aktres, pero walang naglakas ng loob na ibulgar ang katotohanan dahil puwedeng kasuhan ng child abuse ang aktres na kapwa babae rin ang gusto.

Hindi nagtagal ang pagsasama ng dalawa dahil nagkahiwalay sila.

Ibang babae ang pinili ng aktres na makasama, samantalang sinalo ng kanyang kaibigan na tomboy ang female singer.

Good provider ang current lesbian lover ng female singer kaya kumportable ang pamumuhay nito, kahit hindi magtrabaho.

Mula sa mayamang pamilya ang tomboy at tanggap na tanggap nila ang female singer na palaging kasama sa kanilang mga out-of-town trip.

Continue reading below ↓

Hindi inililihim ng female singer ang pakikipagrelasyon sa tomboy dahil ito ang nagparamdam sa kanya ng tunay na pagmamahal at nagbibigay ng lahat ng mga pangangailangan niya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results