Cindy Miranda, itinodo ang nude at torrid kissing scenes sa lesbian movie na Adan

by Jojo Gabinete
Oct 8, 2019
Cindy Miranda (right) on kissing scene with Adan co-star Rhen Escaño: "Nadala kami sa eksena. Hindi namin inisip na babae yung kahalikan ko."
PHOTO/S: Adan / @cindy Instagram

"With tongue" ang description ni Bb. Pilipinas Tourism 2013 Cindy Miranda sa kissing scene nila ni Rhen Escaño sa Adan, ang launching movie niyang may playdate sa November 20, 2019.

Isang lesbian-themed movie ang Adan.

Lesbian ang karakter na ginampanan ni Cindy at ito raw ang pinaka-memorable sa lahat ng kanyang mga project.

"Sobrang excited na ako sa Adan. Hindi ako makapaghintay na mapanood ng mga tao kasi isa iyon sa mga ginawa ko na hindi ko makakalimutan—yung hirap sa set, location pa lang, grabe na.

"Being a lesbian, siyempre, may gusto ka na babae.

"Nung ginawa ko yung kissing scene namin ni Rhen, akala ko, hindi ko kaya."

Kuwento pa ni Cindy, "Kahit sa totoong buhay, never akong naka-kiss ng isang babae, pero dahil propesyonal yung co-star ko, kahit awkwardness, wala akong naramdaman.

"Ganoon kaganda, ka-flawless yung eksena."

Diretsahan ding sinabi ni Cindy na bigay-todo sila ni Rhen sa kanilang torrid kissing scene.

Continue reading below ↓

"Sabi nila, grabe, may chemistry kami ni Rhen.

"Kung ten ang pinakamataas na intensity, nasa 11 ang intensity ng kissing scene namin, na matagal, pero hindi ko alam kung ipalalabas lahat.

"Nadala kami sa eksena.

"Hindi namin inisip na babae yung kahalikan ko. Naisip ko, may mahal ako na tao.

"Ganoon din kagaling ang kaeksena ko.

"Mahal ko talaga ang pag-arte at kapag mahal mo ang isang bagay, lahat, makakaya mo na gawin."

Aminado si Cindy na mapangahas ang tema ng Adan, lalo pa't mayroon din silang nude scene ni Rhen dito.

Tiyak daw na hindi magugustuhan ng organizer ng Binibining Pilipinas ang mga daring scene niya sa Adan, pero mas importanteng makita ng moviegoers ang kanyang acting ability.

Paliwanag ni Cindy, "As a beauty queen, alam ko na hindi ito magugustuhan ng Binibining Pilipinas.

"Pero sabi ko nga, noong nag-decide ako na maging aktor, iisipin ko ba yung pagiging beauty queen ko o pagiging aktor ko?

Continue reading below ↓

"Kasi nang mag-decide ako na mag-artista, gusto ko na maging magaling.

"Hindi nila maaalala kung sino si Cindy Miranda in real life at yung Cindy Miranda na Bb. Pilipinas.

"Gusto ko makilala nila ako na magaling na aktor."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cindy Miranda (right) on kissing scene with Adan co-star Rhen Escaño: "Nadala kami sa eksena. Hindi namin inisip na babae yung kahalikan ko."
PHOTO/S: Adan / @cindy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results