Giselle Sanchez, na-offend ba nang tawaging "Tita" ni Heart Evangelista?

by Jojo Gabinete
Oct 9, 2019
Giselle Sanchez: "Sa tunay na buhay, talagang hanggang ngayon, tita’s in denial ako. Kapag may tumatawag talaga sa akin na tita, naiirita ako. Nagpapanting talaga yung tenga ko."
PHOTO/S: Giselle Sanchez Instagram

Sina Giselle Sanchez, Kim Molina, at Candy Pangilinan ang lead stars ng Titas of Manila, ang comedy show na itatanghal sa Music Museum sa November 22, 2019.

Tanggap ni Giselle na hindi siya kumportableng tinatawag na tita ng mga tao na hindi niya kamag-anak, at in denial pa rin siya sa tuwing may mga tumatawag sa kanya ng "tita."

"Sa tunay na buhay, talagang hanggang ngayon, tita’s in denial ako.

"Kapag may tumatawag talaga sa akin na tita, naiirita ako. Nagpapanting talaga yung tenga ko.

"Siyempre, yung anak ko is only 16 years old. So, ang gusto ko, kung tatawag ka na tita, 16 years old.

"E, alam mo yun, yung mga millennial, may mga 28, 30 years old, tinatawag pa rin akong tita! Talagang, hmmm… alam mo yun?

"Tingnan mo nga yung mga katawan natin kung sino ang mas mukhang bata?" natatawang sabi ni Giselle.

Continue reading below ↓

Sa showbiz ba, may tumawag sa 'yo na Tita?

Sagot ni Giselle, "Sabihin ko na kung sino... Si Heart Evangelista, tinawag niya akong Tita.

"Siyempre, meron akong thought balloon na, as much as I wanna be related to you, I’m not related to you, kasi ang ganda niya.

"Pero sabi ko na lang, ‘Heart, can you just call me Ate Giselle?'

"Kasi ang sakit talaga sa tenga ng Tita. Alam mo yung ganoon?

"Hindi ako yung ‘Don’t call me tita! Hindi tayo magkamag-anak!’ Hindi naman ganoon.

"Hindi naman Cherie Gil, kasi si Cherie, yun ang kanyang persona.

"Ako naman kasi, Giselle Sanchez ako, 'Huy, baka naman puwedeng ano… huwag na lang tita, ate na lang.' Yun naman ang persona…"

Nag-sorry naman daw sa kanya si Heart.

"Sabi niya, ‘Ay, sorry Ate… ate agad siya. Kinorek naman niya agad ang sarili niya.

Continue reading below ↓

"Nakakatuwa lang na tita, kung kasing-ganda ko si Heart, puwede na rin," funny anecdote ni Giselle tungkol kay Heart na 10 years younger lang sa kanya.

Ayon kay Giselle, maraming mga tita na makaka-relate at puwedeng ma-offend sa mga trendy jokes na nangyayari sa tunay na buhay na ipamamalas nila nina Kim at Candy sa Titas of Manila.

Special guests sa Titas of Manila sina Jon Santos, Aiko Melendez, Gelli de Belen, at Carmina Villarroel.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Giselle Sanchez: "Sa tunay na buhay, talagang hanggang ngayon, tita’s in denial ako. Kapag may tumatawag talaga sa akin na tita, naiirita ako. Nagpapanting talaga yung tenga ko."
PHOTO/S: Giselle Sanchez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results