KZ Tandingan, tinawag ni Epy Quizon na "next Nora Aunor"

by Jojo Gabinete
Oct 10, 2019
Epy Quizon, ipinaliwanag kung bakit "the next Nora Aunor" ang bansag niya kay KZ Tandingan: "Si Ate Guy, paano ba siya na-discover? Singer, maliit, Pinay na Pinay, very expressive eyes, ang galing-galing kumanta, 'tapos pinaarte, ang galing umarte, ang galing umiyak..."
PHOTO/S: Noel Orsal

Bago pa nagsimula ang presscon ng The Art of Ligaw ng CoreMinds Productions na ginanap nitong tanghali, October 10, 2019, iyak na nang iyak si KZ Tandingan.

Ito ay dahil sa mga papuring narinig niya mula kay Epy Quizon, ang kanyang leading man sa pelikula nilang mapapanood sa mga sinehan sa November 13, 2019.

Bukod sa mga papuri, hindi makapaniwala si KZ na bida na siya sa pelikula at, higit sa lahat, overwhelmed ang mahusay na singer sa sinabi ni Epy na siya ang "next Nora Aunor."

"Nung narinig ko ang sinabi ni Sir Epy, sabi ko, ‘Sir, huwag nyo naman po sabihin ‘yan.

"Baka masyado naman po mag-expect yung mga tao. Hindi ko malunok," protesta ni KZ sa papuri sa kanya ni Epy.

"Si Ate Guy, paano ba siya na-discover?" sundot na tanong ni Epy sa pahayag ni KZ.

"Singer, maliit, Pinay na Pinay, very expressive eyes, ang galing-galing kumanta, 'tapos pinaarte, ang galing umarte, ang galing umiyak.

Continue reading below ↓

"So, doon ako nanggagaling,” paliwanag ni Epy tungkol sa pinagmulan ng pagtawag niya kay KZ bilang next Nora Aunor.

Pinasalamatan ni KZ si Epy at ang The Art of Ligaw director na si Jourdan Sebastian dahil sa mga potensiyal niyang nakita ng dalawa.

Aniya, “Si Direk Jourdan at saka si Sir Epy, may nakikita na ganoong potensiyal sa akin so I will only work harder and harder para kahit hindi man po pumantay, kahit mag-improve as an actress at mag-improve sa art of acting.”

Si KZ ang pinili ni Jourdan na leading lady ni Epy sa The Art of Ligaw dahil ikinumpara niya ang singer-turned-actress sa durian fruit.

Pahayag ng direktor, "Ang pinaka-metaphor ko was durian talaga kasi taga-Davao, taga-Mindanao, 'tapos I wasn’t looking for typical na super ganda na model looking.

"Sa totoo lang, ang hinahanap ko was something like a durian, medyo weird, medyo quirky.

Continue reading below ↓

"Pero ako kasi, mahilig sa durian, acquired taste siya, e.

"Sa hitsura pa lang ng durian, parang nakakatakot, pero kung titingnan mo talaga yung durian, it looks magnificent to me.

"And for me, it’s very complex and beautiful, majestic fruit.

"Somehow, for my first film, I wanted also yung someone new rin and someone very raw.

"And, of course, most importantly, somebody who spoke Visaya and, coincidentally, ang galing lang na she’s also from Davao where the film was really intended to be filmed."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Epy Quizon, ipinaliwanag kung bakit "the next Nora Aunor" ang bansag niya kay KZ Tandingan: "Si Ate Guy, paano ba siya na-discover? Singer, maliit, Pinay na Pinay, very expressive eyes, ang galing-galing kumanta, 'tapos pinaarte, ang galing umarte, ang galing umiyak..."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results