Maine Mendoza, masira kaya ang record ni Paolo Ballesteros sa Bawal Kumurap?

by Jojo Gabinete
Oct 11, 2019
Masusubukan ang pagiging competitive ni Maine Mendoza sa pagsalang niya sa "Bawal Kumurap" segment ng Eat Bulaga! bukas, October 12.
PHOTO/S: Noel Orsal

Masusubukan bukas, October 12, ang pagiging competitive ni Maine Mendoza dahil isa siya sa mga contestant ng "Bawal Kumurap, Nakamamatay ng Suwerte," ang game segment ng Eat Bulaga! na gumawa ng ingay dahil sa unofficial world record na naitala ni Paolo Ballesteros.

Sina Paolo at Allan K. ang magkatunggali sa "Bawal Kumurap" noong nakaraang Sabado, October 5, 2019.

Matindi ang kanilang tapatan dahil tapos na ang live telecast ng Eat Bulaga, pero hindi pa rin sila kumukurap.

Si Paolo ang itinanghal na winner dahil tumagal ng isang oras, 17 minuto, at tatlong segundo ang hindi niya pagkurap ng kanyang mga mata.

Naagaw ni Paolo mula kay Pauleen ang karangalan dahil nahigitan niya ang 30 minuto at 44 segundo na record ng hindi pagkurap ng kanyang co-host sa Eat Bulaga.

Continue reading below ↓

Bukas, si Maine ang sasabak sa "Bawal Kumurap" at makakasama niya si Carlo Aquino dahil ipinu-promote nila ang kanilang bagong pelikula, ang Isa Pa With Feelings.

Competitive ang image ni Maine dahil kapag ginusto nito at nagseryoso siya, nakukuha niya ang lahat ng kanyang pinakamimithi.

Kaya inaabangan bukas kung mahihigitan o mapapantayan niya ang unofficial world record ni Paolo sa hindi pagkurap ng mga mata.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Masusubukan ang pagiging competitive ni Maine Mendoza sa pagsalang niya sa "Bawal Kumurap" segment ng Eat Bulaga! bukas, October 12.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results