Dating aktres, umani ng good karma dahil sa sipag at tiyaga

by Jojo Gabinete
Oct 13, 2019
This former actress currently reaps the blessings of her hard work and perseverance during her heyday in showbiz. Among her prized possessions is a necklace worth P55 million.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Tumataginting na PHP55 million ang halaga ng emerald necklace at earrings ng isang aktres pero hindi nito ipinagyayabang ang isa sa mga prized-possession niya.

Nagkataon lang na nakita namin nang personal ang alahas at may nakapagsabi sa amin ng presyo nito.

Hindi nakapagtataka na nakapagpundar ang aktres ng mga alahas at ari-arian dahil likas na masipag at maabilidad siya sa negosyo.

Continue reading below ↓

Ginamit ng aktres ang utak noong active pa siya sa showbiz. Alam niyang hindi stable na propesyon ang pag-aartista kaya kahit pagod at puyat sa kanyang mga commitment, tinapos ng aktres ang pag-aaral.

Hindi itinatanggi ng aktres na nakaranas ito noon ng diskriminasyon sa showbiz, pero imbes na panghinaan ng loob, nagsikap siya, nagtayo ng mga negosyo at nagtagumpay.

Kumportableng-kumportable na ngayon ang pamumuhay ng aktres dahil inaani na niya ang mga bunga ng kanyang pagtitiyaga at pagsisikap.

Hindi na tumatanggap ng mga movie assignment ang aktres pero meron itong regular program sa telebisyon, at patuloy ang pagtulong niya sa mga nangangailangan kaya good karma siya.

Ang alahas na nagkakahalaga ng P55 million ang isa lamang sa maraming alahas at ari-arian na naipundar ng aktres na deserving sa mga tagumpay na tinatamasa ngayon dahil pinaghirapan niya.

Higit sa lahat, hindi siya nakakalimot na magpasalamat sa Diyos at ibinabalik niya ang mga biyaya na natatanggap sa pamamagitan ng pagtulong sa ating mga kapus-palad na kababayan.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This former actress currently reaps the blessings of her hard work and perseverance during her heyday in showbiz. Among her prized possessions is a necklace worth P55 million.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results