Dennis Padilla, inaming naranasan nang maagawan ng babaeng minahal niya noon

by Jojo Gabinete
Oct 14, 2019
Dennis Padilla on recovering from past heartbreak: "Malalim, masakit, pero you have to be strong. Kapag nalaglag ka, kailangan bumangon ka."
PHOTO/S: Kapuso PR Girl Instagram

“Alam ng lahat ang nangyari sa buhay ko, pass na ako diyan.”

Ito ang biro at panggagaya ni Dennis Padilla sa sagot ni Sunshine Dizon sa tanong kung naranasan na ba niyang maagawan ng minamahal sa ginanap na mediacon ng Magkaagaw nitong Lunes ng gabi, October 14, 2019.

Dagdag ni Dennis, "Kung anuman ang nangyari kay Sunshine, hawig na hawig.

"Saka yung sa akin... magkaiba kasi yung sa 'yo [Sunshine], same building."

"I-Google niyo na lang," sabi naman ni Dennis nang narinig niya ang komento na "same municipality" naman ang kanyang naging kaagaw.

"Kailangan maging matibay," ang biglang naging seryosong pahayag ni Dennis nang tanungin kung paano niya na-handle ang mabigat na pagsubok na kanyang pinagdaanan noon.

"Lalo na kung may mga anak kayo, kailangang maging matibay.

"Ang una mong iisipin, yung mga katayuan ng mga anak mo bago yung sarili mo.

"Kaya very important yung lakas mo, yun ang makikita ng mga anak mo.

Continue reading below ↓

"Kasi hindi ka puwedeng magpakita ng kahinaan dahil yung kahinaan na yun, baka yun pa ang maging problema ng mga anak mo.

"Yun lang ang natutunan ko sa buhay.

"And malalim, masakit, pero you have to be strong.

"Kapag nalaglag ka, kailangan bumangon ka," sabi ni Dennis.

Hindi nakalimutang ipaalaala ni Dennis sa entertainment press na may bago na siyang partner na maganda rin.

Walang binanggit si Dennis na mga pangalan, pero open book sa publiko ang kanyang personal na buhay kaya may idea ang karamihan sa tao na nang-agaw sa babaeng minahal niya noon.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Padilla on recovering from past heartbreak: "Malalim, masakit, pero you have to be strong. Kapag nalaglag ka, kailangan bumangon ka."
PHOTO/S: Kapuso PR Girl Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results