Aktor mula sa isang major network, lumipat na sa Viva

by Jojo Gabinete
Oct 15, 2019
PHOTO/S: Viva Artists Twitter

Anytime soon, ipakikilala ng Viva Artists Agency (VAA) ang kanilang bagong contract star—ang aktor na dating exclusive talent ng isang major TV network.

Pero maliban sa cropped picture ng aktor na inilabas ng VAA sa kanilang social media pages, wala silang ibang ibinigay na clue kaya may mga naiintriga sa identity ng mystery showbiz personality.

Continue reading below ↓

Reportedly, noon pa sana ipapakilala ng VAA sa publiko ang aktor pero nagkaroon ito ng dreaded disease na dengue.

Bago humarap sa entertainment press, hinintay muna gumaling ang aktor na dating bahagi umano ng isang love team.

Kahit hindi pa natutukoy ang katauhan ng aktor na lilipat sa Viva, may mga nagsasabing puwedeng ang mystery actor ang pumalit sa puwesto na nabakante ni James Reid.

Continue reading below ↓

Matapos manalo sa Pinoy Big Brother: Teen Clash noong 2010, naging "has been" si James pero sumigla ang career nito at sumikat nang i-build up siya ng Viva Films.

Hindi lamang si James ang na-revive ang career nang papirmahin siya ng kontrata ng VAA dahil naging leading-man material din si Marco Gumabao nang magdesisyon itong lumipat sa talent management agency ng Viva.

Inaasahang ganito rin ang magiging kapalaran ng mystery actor na, diumano, produkto rin ng isang talent search sa telebisyon.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Viva Artists Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results