Jeric Gonzales, deadma sa natatanggap na indecent proposals mula sa politicians

by Jojo Gabinete
Oct 21, 2019
Kapuso actor Jeric Gonzales, inaming may mga nagpapadala ng indecent proposals sa kanyang social media accounts.
PHOTO/S: @jericgonzales07 Instagram

Diretsahang tinanong ng Cabinet Files kung naranasan na ba ni Jeric Gonzales maging biktima ng exploitation sa pitong taon niya sa show business.

Sagot ni Jeric, "Parang wala naman po."

Pero inamin ng 27-year old Kapuso actor na nakakatanggap ito ng indecent proposals.

"Hindi naman mawawala yun. Hindi ko na po pinapansin," sabi ni Jeric.

Kuwento niya, puro pera ang mga tempting offer na natatanggap niya mula sa ilang followers niya sa social media.

"Yung iba po, nagpapakilala na politicians sila. Sinasabi po talaga nila, pero siyempre hindi natin alam kung totoo o hindi."

Sa ngayon, tutok si Jeric sa kanyang showbiz career.

Significant date ang October 21 para sa aktor dahil ito ang petsa na itinanghal siya noong 2012 bilang male winner ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break, ang talent search ng GMA Network.

Ipinagdiriwang ngayon ni Jeric ang kanyang seventh anniversary sa showbiz.

At lalo itong naging makabuluhan dahil ngayong hapon ang pilot telecast ng Magkaagaw, ang drama series ng Kapuso Network na biggest television break niya bilang lead actor.

Continue reading below ↓

Tiniyak ni Jeric na tututukan niya ang pilot episode ng Magkaagaw, na mapapanood pagkatapos ng daily noontime show na Eat Bulaga.

Ayon kay Jeric, magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya dahil mahalagang-mahalaga sa kanya ang Magkaagaw.

"Kinakabahan ako pero ibang kaba, excited and proud na kaba dahil maganda ang guidance sa akin ng aming direktor na si Gil Tejada, lalo na ang mga co-star ko—sina Ms. Sunshine Dizon at Ms. Sheryl Cruz.

"Siyempre, ipinagdarasal ko na maging maganda sana ang pagtanggap ng mga tao sa Magkaagaw, kahit hindi ako nakapagsimba dahil sa dami ng mga promo guesting namin.

"I’m hoping na sana suportahan ng mga Kapuso ang Magkaagaw dahil ibinigay namin ang lahat, lalo na ako.

"Para sa akin, ang karakter ko sa Magkaagaw ang breakthrough role ko dahil sa malaking opportunity na ibinigay sa akin ng GMA-7."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Jeric Gonzales, inaming may mga nagpapadala ng indecent proposals sa kanyang social media accounts.
PHOTO/S: @jericgonzales07 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results