Claudine Barretto, saksi sa relasyon ng pamangkin na si Nicole kay Atong Ang

by Jojo Gabinete
Oct 23, 2019
Atong Ang, nadawit sa sanga-sangang kontrobersiya dahil sa Barretto family feud.
PHOTO/S: @claubarretto Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Hindi nakabuti sa businessman na si Charlie "Atong" Ang ang pagsasalita niya tungkol sa away ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto.

Nauungkat ang mga kasong kinasangkutan niya noon kaya muling nagugulo ang kanyang tahimik nang pamumuhay.

Hindi na dapat nagpainterbyu si Atong at may nagpayo sana sa kanyahng uwag nang magsalita, dahil tulad ng ibang malalaking eskandalo sa showbiz, tiyak na lilipas din ang isyu tungkol sa Barretto sisters.

Natuto sana si Atong sa mga nangyari sa ibang prominent politician at business personalities na nagulo ang tahimik na buhay nang makipagrelasyon at makipagkaibigan sa mga kontrobersiyal na personalidad sa showbiz.

Maaari namang maiwasan ang intriga kung naging extra careful at discreet sila.

Masyadong toxic ang showbiz para sa mga taong may pagpapahalaga sa kanilang privacy at iniingatan na reputasyon.

Hindi lang si Atong ang private personality na umingay ang pangalan dahil sa pagkakaugnay ng kanyang pangalan kay Gretchen.

Continue reading below ↓

Noong 2008, pinag-usapan ang alleged romantic involvement ni Gretchen kay Rodolfo "Dody" Puno.

Kilala rin si Dody na ama ng anak ng former beauty queen-turned-actress na si Alma Concepcion.

Kusang namatay ang isyu dahil hindi nagsalita si Dody sa pagkakaugnay nito kay Gretchen noon.

Ang pagsasalita ni Atong tungkol sa away ng Barretto sisters ang dahilan para maungkat din ang pagkakaroon niya noon ng relasyon at anak na lalaki sa former sexy actress na si Kristine Garcia, na U.S.-based na ngayon.

At dahil pinahalagahan noon ni Kristine ang kanyang privacy, scandal-free ang buhay noon ni Atong na "man of the hour" ngayon dahil sa away ng magkakapatid na Barretto.

Sa mga pahayag ni Atong sa media, wala siyang direktang pag-amin na nagkaroon siya ng relasyon kay Nicole tulad ng akusasyon ni Marjorie.

Sinabi lang niya na "Ang relasyon namin ni Nicole, parang taga-asikaso ng mga flights ko and schedule ko noon."

Continue reading below ↓

CLAUDINE CONFIRMS ATONG WAS NICOLE'S EX-BOYFRIEND

Pero mismong si Claudine ang naglaglag kay Atong sa phone-patch interview sa kanya kagabi, October 22, 2019, sa DZMM program nina Jobert Sucaldito at Ambet Nabus.

Tinukoy ni Claudine si Atong bilang "family friend" ng mga Barretto.

Pagkatapos ay kinumpirma ni Claudine na si Atong ay dating "boyfriend" ng pamangkin niyang si Nicole

"Natatandaan mo pa, dati ako ang natsitsismis? Dahil ako ang tagabantay kay Nicole kasi bata pa siya noon, e. Bata pa siya noon,” ani Claudine.

Tumutugma sa ipinagtapat ni Marjorie sa TV Patrol ang kumpirmasyon ni Claudine na bata pa si Nicole nang makipagrelasyon ito kay Atong.

Nang sabihin ni Marjorie sa TV Patrol na hindi pa 18 years old si Nicole nang makarelasyon ni Atong, may mga nabahala dahil kung totoo ang mga pahayag ng Barretto sisters, puwedeng ireklamo noon si Atong ng child abuse dahil sa pakikipagrelasyon sa isang menor de edad.

Nang mapanood namin ang exclusive interview ng TV Patrol kay Marjorie, naramdaman naming may nais siyang tumbukin sa kanyang pagbanggit na hindi pa debutante si Nicole nang makipagrelasyon kay Atong.

Continue reading below ↓

Pero ipinaubaya niya sa publiko ang pag-iisip at paghuhusga.

Nang sabihin ni Claudine na family friend nila si Atong, naging maingat dapat siya sa pagsasalita.

Chino ang tawag ni Claudine kay Atong, at kung talagang pinoprotektahan niya ang businessman, nag-isip muna siya nang mabuti bago nagpainterbyu sa DZMM at sa Saksi ng GMA-7.

Bukod sa information oversharing, inilagay ni Claudine si Atong sa alanganin na sitwsayon dahil sa kanyang kumpirmasyon na bata pa si Nicole nang makarelasyon ng businessman.

Sometimes, it’s best not to say anything at all.

MARJORIE VERSUS GRETCHEN WORD WAR

Kung ikukumpara sa boxing ang away ng Barretto girls, nakapuntos nang malaki si Marjorie dahil sa kanyang tell-all interview kagabi sa TV Patrol.

Mabilis ang pagganti ni Gretchen sa pamamagitan ng kanyang mga Instagram post dahil nasa malayong bansa siya.

Selective ang mga post ni Gretchen sa mga screenshot ng mga papuri ng mga tao na naniniwala at kumakampi sa kanya.

Continue reading below ↓

Pero in bad taste at hindi classy ang Instagram posts niya sa mga unflattering screengrab photos ni Marjorie—patunay na kahit may sosyal at mayaman na image ang isang tao, nagpupumiglas at lumilitaw ang pagiging palengkera nila.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Atong Ang, nadawit sa sanga-sangang kontrobersiya dahil sa Barretto family feud.
PHOTO/S: @claubarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results