Ai-Ai delas Alas, nagsalita tungkol sa balitang magpapaalam na sa ere ang Sunday PinaSaya

by Jojo Gabinete
Oct 29, 2019
Ai-Ai delas Alas sa balitang magpapaalam na sa ere ang Sunday PinaSaya: "Sabi ng isa sa executive namin, ang sabi niya, ang isagot ko, tuloy ang saya."
PHOTO/S: Kapuso PR Girl Instagram

Ang kumakalat na balitang malapit nang magpaalam sa telebisyon ang Sunday PinaSaya ang isa sa mga itinanong kay Ai-Ai delas Alas pagkatapos ng contract signing niya sa GMA Network, Inc.na naganap ngayong umaga, October 29, 2019.

Saad ni Ai-Ai, "Sabi ng isa sa executive namin, ang sabi niya, ang isagot ko, tuloy ang saya.

"So, hindi natin alam kung ano yung tuloy ang saya.

"Basta ituloy na lang natin ang saya."

"Wala pa naman," ang reaksiyon ni Ai-Ai sa follow-up question kung may nabanggit na sa cast ng Sunday PinaSaya tungkol sa isyu.

Kung sakaling may katotohanan ang balita, sinabi ni Ai-Ai na malulungkot siya dahil apat na taon na silang magkakasama ng co-stars niya sa Sunday noontime program ng GMA-7.

"Oo, malulungkot ako kasi apat na taon… maglilimang taon na kami sa August next year.

"Sino ba, sino ba talaga ang nagkakalat [ng balita]?" balik-tanong ni Ai-Ai.

Dagdag niya, "Malulungkot ako siyempre, pero life must go on.

Continue reading below ↓

"Lahat ng mga show na nagsasara, nag-o-open ng ibang doors."

Nang tanungin kung bakit may ganoong balita tungkol sa kanilang Sunday noontime show, nagpahayag ng pagtataka si Ai-Ai.

"Nagre-rate kami. Commercials nga namin, isang oras, e.

"Isa’t kalahating [oras] kami, di ba? Yung isang oras doon, commercials yun. Di ba, grabe?

"Ganoon talaga, hindi natin alam. May mga bagay na hindi natin alam ang dahilan.

"Hindi ko kinu-confirm, in case lang na mangyari…

"Hindi naman natin alam, di ba?

"Basta, sabi ng mga Madam, tuloy ang saya, e, di ituloy natin ang saya."

Nagbiro ang isa sa mga kausap niya ng “Tuloy ang saya, hindi ang Pinasaya.”

Sagot ni Ai-Ai: “Ayoko na ngang magsalita, baka sabihin atribida ako, 'tapos nega ako.

"Siyempre, dun tayo sa puro happy thoughts lang tayo, positive vibes.

"Kasi positive ang nangyari sa akin ngayon, ang three-year contract ko [sa GMA-7]."

Continue reading below ↓

Sa November 11, 2019, magdiriwang si Ai-Ai ng kaarawan.

Good health para sa kanyang pamilya, more work, more happiness, at positive things in life ang mga birthday wish ni Ai-Ai.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas sa balitang magpapaalam na sa ere ang Sunday PinaSaya: "Sabi ng isa sa executive namin, ang sabi niya, ang isagot ko, tuloy ang saya."
PHOTO/S: Kapuso PR Girl Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results