Baron Geisler, itinangging hinawakan niya ang boobs ni Gina Pareño

by Jojo Gabinete
Oct 31, 2019
Baron Geisler on Gina Pareno's claim that he touched her boobs: "Hindi. Nagbibiro lang ‘yan. Nagbibiro lang si Ma’am." Gina, on the other hand, insists, "Sa edad ko bang ito, magsisinungaling ako?"
PHOTO/S: Noel Orsal

“Nagbibiro lamang siya.”

Ito ang reaksiyon ni Baron Geisler sa kuwento ng veteran actress na si Gina Pareño tungkol sa insidenteng nangyari sa taping ng isang teleserye ng ABS-CBN na pinagsamahan nila.

Sinabi ni Gina, 70, na dinakma niya noon ang pribadong bahagi ng katawan ni Baron, 37, dahil sinadya ng aktor hawakan ang suso niya habang naglalakad siya.

Lahad ni Gina sa story conference ng pelikulang Tililing kahapon, October 30, "Naglalakad kami sa shooting, ginanoon yung boobs ko.

"Alam niyo ang ginawa ko, na-out balance ako.

"Sabi ko, 'Ikaw talaga,' sabay dakma [sa harap ni Baron].

"'Huwag mong gagawin sa akin ‘yan, huwag mo akong babuyin. Babalikan kita, ako… kakalbuhin ko ‘yan. Salong-salo!!!”

Nang matapos ang story conference ng Tililing, tinanong namin si Baron tungkol sa ikinuwento ni Gina.

Tahasan niyang itinanggi ang naturang insidente.

Sabi ni Baron, "Hindi. Nagbibiro lang ‘yan. Nagbibiro lang si Ma’am.

"Hindi totoo yun. Nagbibiro lang 'yan si Ma’am. Joker. Pilyo lang.

Continue reading below ↓

"We love to joke around.

"Kasi nagkatrabaho na kami ni Ma’am Gina sa dalawang teleserye.

"Nagkatrabaho yata kami sa Tayong Dalawa, kung anu-ano pang pelikula, mga independent movie, so you know… we go back [a long] way talaga.

"Kasi everybody was so serious kanina and I just wanted to break the ice.

"Pero malamang, papagalitan ako ng pastor ko!" natatawang sabi ni Baron.

GINA: SA EDAD KO BANG ITO, MAGSISINUNGALING AKO?

Pero nang tanungin namin si Gina, pinanindigan niya at consistent ang kanyang pahayag na hinipuan siya ni Baron sa shooting ng isang project nila sa Subic.

Nang malaman ni Gina na nag-deny si Baron, gusto niyang balikan at kausapin ang nagbabagong-buhay na aktor.

Pero sinabi namin sa kanyang huwag na dahil kasama nga ni Baron ang buntis na asawa nitong si Jamie.

Sabi ng veteran actress, "Pare, sa edad ko bang ito, magsisinungaling ako?

"Talagang hinawakan niya ang boobs ko habang naglalakad ako sa shooting namin noon sa Subic kaya dinakma ko siya.

Continue reading below ↓

"Sabi ko, 'Putang ina, huwag mo akong bababuyin!'"

DAKMAAN ISSUE

Hindi na sana mauungkat ang nangyari noon, pero si Baron ang nag-umpisa dahil siya ang unang nagkuwento tungkol sa pandadakma sa kanya ni Gina nang magkita sila sa Viva Films office kahapon bago nagsimula ang story conference ng Tililing.

"Puwede bang mag-share? Kasi kanina, bago pumasok dito, tinanong po kami ni Mr. Mario Dumaual na parang, ‘Baron, magbago ka na. Si Ms. Gina, may tililing ‘yan.’"

Sabi naman daw ni Gina tungkol sa kanya, "'Hindi, si Baron nga ang mas may tililing, e. Nanghahawak ‘yan ng suso,' sabay hinawakan yung bird ko!"

Patuloy ng akto, "Nagulat ako, a! Ramdam ko yun, nagkaroon ako ng electricity.

"May asim pa [si Gina]. May asim pa. Tinililing niya yung tililing ko!" natatawang sabi ni Baron.

Nang malaman naman ni Gina na kasama ni Baron sa story conference ang asawa nito, humingi siya ng paumanhin.

Continue reading below ↓

"Ay, sorry po. Misis, sorry po. Dati pa ho ito, wala pa kayo sa buhay niya," sabi ni Gina, sabay tayo at muling dinakma ang harap ni Baron.

Nagkasama sina Gina at Baron sa Tayong Dalawa, ang primetime series ng ABS-CBN noong 2009.

Nang sabihin ni Baron na nagkatrabaho sila ni Gina sa Tayong Dalawa, may mga nag-isip na posibleng nangyari sa set ng teleserye ng nabanggit na programa ang insidenteng tinutukoy ng veteran actress dahil ito ang mga panahong nasangkot ang aktor sa dalawang magkasunod na kaso ng sexual harassment.

April 2008 nang magreklamo si Patrizha Martinez ng sexual harassment at acts of lasciviousness laban kay Baron.

Si Patrizha ang anak ng former matinee idol na si William Martinez at Yayo Aguila.

Nang sumunod na taon, May 2009, kasama ang lawyer na si Atty. Ferdinand Topacio, si Yasmien Kurdi naman ang nagsadya sa Women and Children Protection Center of the Philippine National Police ng Camp Crame para ireklamo si Baron ng acts of lasciviousness at unjust vexation.

Continue reading below ↓

Ayon kay Yasmien, hinipuan siya ng aktor sa taping ng Suspetsa, isang episode ng SRO Cinemaserye ng GMA 7.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baron Geisler on Gina Pareno's claim that he touched her boobs: "Hindi. Nagbibiro lang ‘yan. Nagbibiro lang si Ma’am." Gina, on the other hand, insists, "Sa edad ko bang ito, magsisinungaling ako?"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results