Baron Geisler, malaki ang pasasalamat dahil sa patuloy na pagtanggap sa kanya ng industriya

by Jojo Gabinete
Nov 1, 2019
Baron Geisler on being given another chance: "So, ang industriya naman, kapag alam nila na mabuti yung tao, nalihis lang ng landas, at habang nabubuhay pa ang tao at willing siyang magbago, binibigyan nila ng chance yung talent."
PHOTO/S: Noel Orsal

Ibang-iba na ang Baron Geisler, na madalas nasasangkot noon sa mga gulo, sa Baron na nakausap ng Cabinet Files sa story conference ng Tililing, ang bagong movie project ng Viva Films, noong Miyerkules, October 30.

Malumanay magsalita, ang Diyos ang bukambibig, at ang magagandang plano para sa kanyang pamilya ang narinig namin mula kay Baron.

Isa si Baron sa mga pinakamapalad na aktor dahil sa kabila ng mga kontrobersiyang pinagdaanan, nakakabalik sa entertainment industry at patuloy na tinatanggap ng publiko.

Pahayag niya, "I just praise God talaga.

"Thank you, Lord, na sa lahat ng pinagdaanan ko, sa lahat ng pagkakamali ko, binigyan pa rin Niya ako ng pagkakataon na piliin ang pagbabago.

"Mahirap man pero kayang gawin kaya siguro ako’y na-blessed nang ganito.

"It has nothing to do with talent.

"I think it has something to do with turning a new leaf in my life and parang choosing what’s important.

Continue reading below ↓

"Halimbawa po, noon kapag nagtatrabaho ako, iisipin ko agad, 'Uy, makakagimik ako.'

"My priorities now are different from before.

"My priority now is my wife and my soon-to-be daughter na malapit nang lumabas.

"I’m working not only for myself, but I’m working for my family and for my baby.

"Every day I just keep connecting lang with God.

"I’m just human, there are times na nagkakamali, pero ang kagandahan, there’s no condemnation.

"Alam naman Niya yun, kapag may ginagawa akong mabuti, mabuti rin ang ibinabalik sa akin ng Diyos."

Patuloy ni Baron, "I believe na nasa right track ako ngayon, aside from this movie, meron din akong show na gagawin very soon.

"Something different, parang Tililing din but very informative.

"Aside from that, God willing, may TVC pa.

"Kapag nagko-connect lang ako, parang I pray for others and meditate.

"Sinasabi ko sa 'yo, hindi pa ako pinaghintay ni God. One day pa lang, sinagot Niya lahat.

Continue reading below ↓

"Ito, ito, ito, ibinigay Niya sa akin lahat.

"So now, ipinagdadasal ko, 'Lord, how I do sustain it,' and I need to sustain it para sa pamilya ko."

Sa palagay mo, bakit paulit-ulit kang tinatanggap ng industriya sa kabila ng mga pagkakamali mo?

"Nawala po ako sa limelight, sa industriya ng tatlong taon, gumagawa lang ako ng crazy independent movies noong times na yun, like yung sa amin ni Kiko [Matos].

"But now, nakita nila, ako naman, I finished well sa Probinsyano and napaka-forgiving naman ng industriya.

"Kahit papaano, baby na ako [ng industriya].

"Dito na ako lumaki, so they would want to still give chances to actors like me."

Ayon pa kay Baron, "Hindi lang naman ako ang nag-iisa na napariwara, nandiyan si Mark Anthony [Fernandez], may gagawin na film. Marami kami.

"So, ang industriya naman, kapag alam nila na mabuti yung tao, nalihis lang ng landas, at habang nabubuhay pa ang tao at willing siyang magbago, binibigyan nila ng chance yung talent."

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baron Geisler on being given another chance: "So, ang industriya naman, kapag alam nila na mabuti yung tao, nalihis lang ng landas, at habang nabubuhay pa ang tao at willing siyang magbago, binibigyan nila ng chance yung talent."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results