Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Kim Molina at Jerald Napoles, balik-tambalan sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam

by Jojo Gabinete
Nov 1, 2019
Real-life couple Kim Molina at Jerald Napoles rumampa sa Poblacion, Makati City, sa kanilang Kadenang Ginto-inspired Halloween costume. Si Jerald ang “Daniela Mukhang Dragon” at si Kim naman ang kanyang red maleta na hila-hila.
PHOTO/S: Instagram

Postponed for March 20, 2020 ang Titas of Manila, ang musical play na pagbibidahan nina Kim Molina, Giselle Sanchez, at Candy Pangilinan na itatanghal sana sa Music Museum sa November 22, 2019.

Still, hindi pa rin mababakante si Kim dahil may bagong pelikula siya sa Viva Films, ang Ang Babaeng Walang Pakiramdam, na pagtatambalan nila muli ng kanyang real-life boyfriend na si Jerald Napoles.

Nakapareha ni Kim si Jerald sa blockbuster movie na #Jowable.

Si Darryl Yap ang sumulat ng script at siya rin ang direktor ng Ang Babaeng Walang Pakiramdam.

Tatapusin muna ni Darryl ang shooting ng Tililing bago niya simulan ang Kim-Jerald starrer.

Incidentally, tuwang-tuwa si Jerald dahil panalo sa netizens ang costume nila ni Kim sa Halloween celebration sa Poblacion, Makati City, na ginanap kagabi, October 31.

Pinoy na Pinoy at inspired ng Daniela Mondragon character ni Dimples Romana sa Kadenang Ginto ang costume nina Jerald at Kim.

Continue reading below ↓

Si Jerald ang “Daniela Mukhang Dragon” at si Kim ang kanyang red maleta na hila-hila.

Mainstay si Kim ng Kadenang Ginto at popular sa televiewers ang Savannah character niya.

Continue reading below ↓

Aliw na aliw ang netizens sa video at mga litrato nina Jerald at Kim habang rumarampa sila sa Poblacion, Makati City dahil nag-trending noon ang litrato ni Daniela Mondragon na may bitbit na red maleta.

BARRETTO SISTERS AS HALLOWEEN COSTUME

By the way, Halloween din ang theme ng 28th birthday party ni Aila Marie Amoyo Reyes, ang anak ng entertainment writer na si Aster Amoyo.

Continue reading below ↓

Ginanap kagabi, October 31, ang birthday celebration ni Aila sa Estela, ang restaurant ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas sa Cainta, Rizal.

Kabilang sa mga celebrity guest ang mag-amang Niño at Alonzo Muhlach, pero ang presence ng tatlong babaeng bisita ni Aila ang nagmarka sa amin dahil "Barretto sisters" ang kanilang pakilala sa sarili.

Sino ang mag-aakalang Halloween characters na rin ang mga nagbabangayang Barretto sisters?

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Real-life couple Kim Molina at Jerald Napoles rumampa sa Poblacion, Makati City, sa kanilang Kadenang Ginto-inspired Halloween costume. Si Jerald ang “Daniela Mukhang Dragon” at si Kim naman ang kanyang red maleta na hila-hila.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results