Aga Muhlach, hindi takot sa death at failure

"Whether I have a nice car or I don’t have a nice car, I’m okay."
by Jojo Gabinete
Nov 3, 2019
Ibinahagi ninAga Muhlach, 50, ang mga realizations niya tungkol sa failures, wealth, at death. Aniya, "I have no fear of death. I have no fear of failure."
PHOTO/S: Noel Orsal

"If you know you have God by your side, then there’s really nothing to fear and I really hold on to that,” ang makabuluhang pahayag ni Aga Muhlach.

Si Aga ang lead actor sa Nuuk, ang pelikula nila ni Alice Dixson na kinunan sa Greenland, at mapapanood sa mga sinehan simula sa darating na Miyerkules, November 6, 2019.

Ang wagas na pananampalataya ni Aga sa Panginoong Diyos ang dahilan kaya hindi siya natatakot sa kabiguan at kamatayan.

“I have no fear. I have no fear of death. I have no fear of failure that’s why ito mga ginagawa kong pelikula, gusto ko iyan, gagawin ko iyan. Baka hindi kumita ang pelikulang iyan? Okay lang.”

Hindi ka takot sa failure?

“No I’m not!” ang walang pag-aalinlangang sagot ni Aga na maraming words of wisdom na dapat tularan ng mga tao."

Just like most people, marami siyang share of failures.

"I've failed so many times! There’s so many—from personal, career—there’s so many little things na hindi naman lahat nakukuha mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Marami ka ring naging palpak na galaw, palpak na vision pero lahat nang iyon naayos. Lahat iyon naayos, wala akong pinabayaan. Inayos ko lahat iyon.

"What’s there to fear? We breathe, you breathe, you’re alive, you’re not sick, you’re okay. Yun ang sinasabi ko na people stress so much about so many things in life. Why?"

Para hindi maging kumplikado ag buhay, go back to basics.

"Sinasabi niyo ang lumang kasabihan na, 'Stop and smell the roses,' di ba? Dapat ganoon kasi minsan nakakalimutan ng tao na parang tayong nangangarap na makakuha nang ganito.

"Minsan, ang dami mo nang nakuha pala, hindi mo na nakikita yung mga nakuha mo. Hindi mo na na-appreciate so, tama na. Matulog ka nang mahimbing, gumising ka nang masarap, kakain ka, may pambayad ka sa kuryente mo, basic!

"If you go to your basic talaga, then we are also blessed! May anak tayo, may asawa tayo, may girlfriend tayo, meron tayong pamilya, meron tayong kaibigan, humihinga tayo, wala tayong sakit."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At 50, isa sa mga realizations niya ay temporary lamang ang material wealth.

"Totoo iyan, kapag nagkasakit ka, ang dami kong kakilala na nawala sa mundong ito, wala talagang dinala. Totoo iyon, wala ka talagang dadalhin.

“Even with my auntie [Amalia Fuentes] so why aspire for more. There’s nothing wrong but things are not supposed to have you… things are not supposed to have you. I just practice what I teach, really.

"Whether I have a nice car or I don’t have a nice car, I’m okay. Whether kung magko-commute ako, magta-taxi ako, okay lang.

“Bakit kapag nasa abroad tayo, kapag nasa Hong Kong tayo, nagta-taxi ka naman, ah? Bakit hindi mo magawa sa bansa natin? Kasi you think of what others will say?

"If you live by that rule, man, ang lungkot ng buhay mo. So live your life, huwag kang mabuhay dahil sa sinasabi ng tao. Malungkot iyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

So naranasan mo nang sumakay sa Grab car?

Sagot niya, “Oo naman! Hindi naman ako nagkukunwari, may kotse ako, may driver ako, naghahanap-buhay ako, pero kunwari wala iyan, dinaanan ko na lahat iyan.

"Meaning, there’s nothing wrong. Kunwari, sinasabi nila o sige mag-MRT ka. E, bakit naman ako mag-MRT, e, may kotse naman ako. Pero kung wala akong kotse, mag-MRT ako, bakit hindi?”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ibinahagi ninAga Muhlach, 50, ang mga realizations niya tungkol sa failures, wealth, at death. Aniya, "I have no fear of death. I have no fear of failure."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results