Mayor Isko Moreno at Jacob Batalon, special guests sa 24th anniversary special ng Bubble Gang

by Jojo Gabinete
Nov 4, 2019
"I couldn’t ask for anything more," sabi ni Michael V (kaliwa) tungkol sa 24th anniversary ng gag show na Bubble Gang. Special guests sa 24th anniversary presentation ng Bubble Gang sina Manila Mayor Isko Moreno (gitna) at Spider-Man star Jacob Batalon (kanan).
PHOTO/S: Noel Orsal / Glenn Regondola

Sina Manila City Mayor Isko Moreno at Fil-Am Spider-man star na si Jacob Batalon ang special guests sa "ScAvengers," ang 24th anniversary presentation ng Bubble Gang, ang longest-running at multi-awarded gag show ng GMA-7.

Two-part superhero telemovie special ang "ScAvengers" na mapapanood sa November 15 at November 22, 2019.

"It’s a parody of The Avengers," paliwanag ni Michael V. tungkol sa concept ng "ScAvengers."

Katuparan daw ito ng kanyang matagal na pangarap.

"Panahon pa ng Spaceballs, mga parody ng Star Wars, lumaki ako sa mga ganoong klase ng parody ng movies at saka yung MAD Magazine na madalas kapag nababasa mo, mga parody ng movies.

"Ginagawa rin ito nina Dolphy, Chiquito before, pero nagawa yata ng isang TV show.

"We thought it was a great opportunity para mag-merge ng lumang konsepto sa bagong konsepto.

"Kasi Avengers, medyo alam natin na napaka-millennial niya, medyo in siya ngayon, so ginawa namin na pagme-merge ng ideas."

Continue reading below ↓

Ang patuloy naman na pagtangkilik ng publiko sa Bubble Gang ang itinuturing ni Michael V. na biggest achievement ng kanilang Friday night gag show.

“Yung number of years itself, proud achievement na para sa aming lahat.

"Yung pagtangkilik ng audience namin na hanggang ngayon, nagre-rate pa rin, pinapanood pa rin, naglalagay pa rin ng advertisers and tuluy-tuloy ang support ng management sa show na’ to, that for me is quite an achievement.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"I couldn’t ask for anything more," sabi ni Michael V.

Tanggap ni Michael V. na malaki ang naitulong ng social media kaya nananatiling matatag ang Bubble Gang.

Ayon sa kanya, ang social media ang naging instrumento para malaman nila kung ano ang mga ayaw at gusto ng publiko tungkol sa kanilang show na nagbigay-daan para sa mga bagong miyembro ng Bubble Gang.

Ang karakter ng main villain na si Allan Peter Kuya Thanos ang ginagampanan ni Michael V. sa "ScAvengers," si Antonio Aquitania si Thorpe/Thor, at si Plantsa Man/Mr.Tonio si Paolo Contis.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I couldn’t ask for anything more," sabi ni Michael V (kaliwa) tungkol sa 24th anniversary ng gag show na Bubble Gang. Special guests sa 24th anniversary presentation ng Bubble Gang sina Manila Mayor Isko Moreno (gitna) at Spider-Man star Jacob Batalon (kanan).
PHOTO/S: Noel Orsal / Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results