Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Sexy pictorial ni Nadine Lustre, ginawan ng memes

by Jojo Gabinete
Nov 4, 2019
Ano ang masasabi mo sa sexy pictorial ni Nadine Lustre na ginawan ng memes?
PHOTO/S: Facebook / Dookie Ducay Instagram

May mga meme na ang sexy pictorial ni Nadine Lustre na nag-viral sa mismong araw ng kanyang 26th birthday noong October 31, 2019.

Naging baka si Nadine sa meme ng Luksong Baka, isa sa mga paboritong laro ng batang Pinoy; inilagay sa ibabaw ng toilet bowl; itinabi sa tarsier; isinama sa isang track-and-field race; ginawang referee sa wrestling, at pinag-dive sa isang swimming pool.

Ito ang patunay na pumukaw ng atensiyon ang kanyang sexy pictorial.

Continue reading below ↓

Pero wala raw katotohanan ang balitang para sa brand ng isang international jeans ang mga daring photo ni Nadine.

Ayon sa nakakaalam ng kuwento, trip lamang daw ng aktres na magpakuha ng litrato na halos nakabuyangyang ang mga pribadong bahagi ng kanyang katawan.

Hati ang reaksiyon ng publiko sa sexy pictures ni Nadine.

Para sa kanyang loyal fans, classy at done in good taste ang mga larawan niya.

Pero para sa iba, nagmukhang bold star umano si Nadine, na wala nang dapat patunayan kung paseksihan ang pag-uusapan dahil naging swimsuit model na siya ng isang sikat na multi-national clothing retail company.

Nag-alaala ang ilan sa mga nagmamalasakit kay Nadine nang makita nila ang kopya ng mga mapangahas na larawan dahil baka makaapekto ito sa mga product endorsement ng aktres, na itinuturing na good role model ng mga kabataan.

Read Next
Read More Stories About
Nadine Lustre, hardcore fans
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ano ang masasabi mo sa sexy pictorial ni Nadine Lustre na ginawan ng memes?
PHOTO/S: Facebook / Dookie Ducay Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results