Pangalawa si Vico Sotto sa mga mayor ng Metro Manila na magbibigay ng malaking donasyon para sa mga kababayan nating napinsala ng malalakas at sunud-sunod na lindol sa Mindanao.
Nauna nang nagbigay ng P5 million si Manila City Mayor Isko Moreno sa earthquake victims sa Cotabato at mula sa sariling bulsa ang kanyang donasyon—ang talent fees niya bilang celebrity endorser ng Belo Medical Clinic at ng isang pharmaceutical company.
Sa pamumuno ni Vico, PHP14 million at relief goods naman ang donasyon ng Pasig City sa mga nasalanta ng lindol sa Davao del Sur at North Cotabato.
Inilahad si Vico sa Facebook page nito ang buong detalye ng donasyon sa ating mga kababayan sa Mindanao, na lubos ang pasasalamat sa kanya at sa mga residente ng Pasig City.
Ngayong umaga, November 5, ang ipinatawag ni Vico na emergency Sanggunian session para maaprubahan ng City Council ang rekomendasyon ng Disaster Risk and Reduction Management ng kanilang siyudad.
"Pasig City will be donating relief goods plus P14 million for the victims of the Mindanao quake.
"Upon the recommendation of the City DRRM Council (Disaster Risk and Reduction Management), I have called for an emergency Sanggunian session tomorrow morning (today, November 5) for formal approval of the donation,” pahayag ni Sotto.
Ang mga residente ng bayan ng Magsaysay (P2 million), Bansalan (P2 million), at Matanao (P1 million) sa Davao del Sur; at ang mga mamamayan ng Makilala (P3 million), Tulunan (P2 million), M’Lang (P2 million), at Kidapawan (P2 million) na mga bayan sa North Cotabato ang makikinabang sa relief goods at financial help na ipagkakaloob ng Pasig City.