Vice Ganda, hinamon si Pastor Quiboloy na pahintuin ang Probinsyano at traffic sa EDSA

by Jojo Gabinete
6 days ago
Vice Ganda to Pastor Apollo Quiboloy: "Sabi niya daw, stop! Sige nga, punta ka sa gitna ng EDSA, stop mo yung traffic dun! Iba ka Quiboloy!"
PHOTO/S: Noel Orsal / Pastopr Apollo Quiboloy Facebook

Ang pahintuin ang Ang Probinsyano at ang problema sa traffic sa EDSA ang mga hamon ni Vice Ganda kay Pastor Apollo Quiboloy, ang founder at leader ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name, Inc.

Headline ng mga balita si Quiboloy dahil sa kanyang claim na pinahinto niya ang malakas na lindol sa Mindanao na nanalanta noong nakaraang linggo.

Nagsalita si Quiboloy na dapat na pasalamatan ito dahil sa pagpapahinto niya sa lindol nang sumigaw siya ng “Lindol! Stop!”

Pero mula noon, naging sentro na siya ng mga biruan.

Nabanggit ang pangalan ni Quiboloy nang mapag-usapan nina Vice, Jhong Hilario, at ng "Tawag ng Tanghalan Celebrity" champions contestant na si Gian Magdangal ang Ang Probinsyano ng ABS-CBN dahil pare-pareho silang naging bahagi ng primetime series ni Coco Martin.

“Nako, kabahan si Cardo!" pagtukoy ni Vice sa karakter ni Coco Ang Probinsyano.

"Ang pinakakalaban ni Cardo, ang feeling ko, si Quiboloy. Yung nagpahinto ng lindol.

Continue reading below ↓

"Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng Ang Probinsyano, abangan niyo ‘yan.

"So ano, Quiboloy, hinahamon kita, ipahinto mo nga ang Probinsyano. Napahinto mo pala ang lindol, e.

"Napakayabang niyo pala!"

Hamon pa ni Vice kay Quiboloy: "Sabi niya daw, stop! Sige nga, punta ka sa gitna ng EDSA, stop mo yung traffic dun! Iba ka Quiboloy!"

Ang Kingdom of Jesus Christ ay may apat na milyong miyembro sa Pilipinas at dalawang milyon na kaanib sa iba’t ibang bansa.

Inaasahang sila ang magtatanggol sa "national television challenge" ni Vice sa self-proclaimed anointed son of God na sinabihang "mayabang" ng It’s Showtime host.

Hindi si Vice Ganda ang una at nag-iisang humamon kay Quiboloy dahil hinamon din ito ng naughty netizens na pahintuin ang away ng Barretto sisters.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda to Pastor Apollo Quiboloy: "Sabi niya daw, stop! Sige nga, punta ka sa gitna ng EDSA, stop mo yung traffic dun! Iba ka Quiboloy!"
PHOTO/S: Noel Orsal / Pastopr Apollo Quiboloy Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results