Aktres na may prima-donna attitude, dapat matuto kay Alice Dixson

by Jojo Gabinete
Nov 6, 2019
Sino ang aktres na dapat matuto sa karanasan noon ni Alice Dixson, na umaming lumaki ang ulo dahil sa kanyang biglang pagsikat?
PHOTO/S: Noel Orsal
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Nadismaya ang TV reporter sa inasal ng isang aktres—na walang kahirap-hirap sumikat sa local entertainment industry—dahil tumanggi itong harapin siya at magpainterbyu sa kanya.

"Hindi handang magpainterbyu" ang brilliant excuse ng aktres.

Ibang-iba ang aktres sa kanyang mga co-star na hindi tumanggi sa interview dahil para sa anniversary ng kanilang TV show ang topic.

Nawalan ng gana ang TV reporter na nagpatotoong malaki na ang ipinagbago ng aktres mula nang makatikim ito ng popularity.

Dapat matuto ang aktres sa karanasan ni Alice Dixson, na inaming naging unprofessional siya noong kabataan niya dahil sa kanyang biglang pagsikat.

Ikinuwento ni Alice ang kamalditahan niya noon sa kanyang interview sa Tonight with Boy Abunda nang mag-promote siya ng Nuuk.

Sabi ni Alice, "Kasi teenager ako, matigas ang ulo ko, like, even Mother Lily, nag-aaway kami ni Mother.

"Siyempre, I’m very stubborn, I’m a Leo.

"And sometimes, if I don’t get my way, nagrerebelde ako.

Continue reading below ↓

"And sometimes, I like to be late kasi feeling ko, prima donna ako at the time.

"From that experience, a lot of people got very upset with me.

"And because of my unprofessionalism, I lost a lot of work.

"And that taught me, 'Hoy, mag-ayos-ayos ka naman diyan!'"

Nang tanungin ni Boy ang pinagmumulan ng kanyang bad behavior, sagot ni Alice, "I think I had a lot of things... I was doing a lot of things. Sabay-sabay.

"I was studying, family time, love life, work, and sumikat ako kaagad, too fast.

"And so, lumaki ang ulo ko."

Ang ugali niya noon na ikinuwento ni Alice ang eksaktong inaasal ngayon ng aktres na biglang sumikat at umaasta na ang entertainment media at ang fans ang may utang na loob sa kanya dahil sa pagpapasaya na ginagawa niya.

Kung magpapatuloy ang prima-donna behavior ng aktres, malaki ang posibilidad na dumating ang araw na mawalan siya ng mga project, tulad nang nangyari kay Alice.

Continue reading below ↓

At any rate, professional na ngayon si Alice dahil na-realize at itinuwid nito ang kanyang mga pagkakamali noong kabataan niya.

Si Alice ang leading lady ni Aga Muhlach sa Nuuk, na palabas na sa mga sinehan simula ngayong Miyerkules, November 6.

Rebelasyon si Alice sa pelikula dahil ipinakita niyang malaki na ang improvement ng kanyang acting ability.

For the first time, tumatanggap si Alice ng mga papuri dahil sa pagganap na ipinamalas niya sa Nuuk.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino ang aktres na dapat matuto sa karanasan noon ni Alice Dixson, na umaming lumaki ang ulo dahil sa kanyang biglang pagsikat?
PHOTO/S: Noel Orsal
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results