Tanong ng Madlang Pipol: Buntis na ba si Anne Curtis?

by Jojo Gabinete
Nov 6, 2019
Netizens, napansin ang "preggy look" ni Anne Curtis sa It's Showtime kahapon, November 5.
PHOTO/S: Screen grab from It's Showtime

Pangungunahan ni Anne Curtis ang giant Christmas Tree lighting ceremony sa Araneta City, Cubao, Quezon City, sa Biyernes, November 8, 2019.

Malaki ang posibilidad na nakatutok sa kanya ang atensiyon ng lahat.

Noong nakaraang buwan, nagkaroon si Anne ng oportunidad na pakiusapan ang mga miyembro ng media na huwag tanungin ang mga kababaihan tungkol sa pagbubuntis dahil nakakasakit ito ng damdamin.

Marami ang nakiayon sa kanya.

“I think I should take this opportunity to say that the press should stop asking that to any woman, because you don’t know what they’re going through.

"For me, it will happen in God’s time, and I think at any time I’m ready for it. But I’m speaking for every woman.

"Medyo nakakasakit when people keep asking them, ‘When are you going to have a baby?’ Maybe they just don’t want to have a baby.

“I hope you guys don’t take this the wrong way, but I think in respect to every woman, you should stop asking when they’re going to get married, why don’t they have a baby, or when they are going to have a baby,” magalang at malinaw na pahayag ni Anne sa anniversary presscon ng It’s Showtime noong October 2019.

Continue reading below ↓

Pero kahapon, November 5, muling naungkat ang isyu ng pagbubuntis ni Anne dahil sa kanyang "preggy look" sa It’s Showtime.

Napansin ng netizens ang pagsusuot niya ng flat shoes na ginawa rin ni Marian Rivera noong hindi pa nito kinukumpirma sa publiko na buntis siya sa pangalawang anak nila ni Dingdong Dantes.

Naniniwala ang marami sa viewers ng It’s Showtime na nasa interesting stage na si Anne dahil sa hitsura nito kahapon.

Pero sila na rin ang nagsabing hindi dapat pangunahan ang aktres.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ngayong araw, November 6, muling inabangan ng mga curious ang paglabas ni Anne sa noontime show ng ABS-CBN, pero hindi siya nag-report.

Open book sa publiko ang buhay ni Anne dahil nasubaybayan natin ang pag-uumpisa ng showbiz career niya mula noong 12 years old, hanggang magdalaga at mag-asawa siya.

Minahal si Anne ng mga Pilipino dahil ibinabahagi niya sa lahat ang mga nangyayari sa kanyang personal na buhay, malungkot man o masaya, kaya hintayin na lamang natin ang pagsasalita niya sa tamang panahon tungkol sa mga haka-hakang malapit na siya na maging ina.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens, napansin ang "preggy look" ni Anne Curtis sa It's Showtime kahapon, November 5.
PHOTO/S: Screen grab from It's Showtime
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results