Rhen Escaño, tiwalag na sa INC dahil sa daring scenes niya sa Adan at Untrue?

by Jojo Gabinete
Nov 7, 2019
Ang daring scenes ba niya sa mga pelikulang Adan at Untrue ang dahilan kaya tiwalag na sa Iglesia Ni Cristo ang Viva artist na si Rhen Escaño?
PHOTO/S: Rhen Escano Instagram

Ang high-profile lawyer na si Atty. Ferdinand Topacio ang nagsabi sa Cabinet Files na interesado siyang panoorin ang Adan dahil tulad niya, miyembro ng Iglesia Ni Cristo ang isa sa mga bida ritong si Rhen Escaño.

Ang Adan ang erotic psychological thriller movie ng Viva Films at Aliud Entertainment na magbubukas sa mga sinehan sa November 20, 2019.

Introducing si Rhen at ang former beauty queen na si Cindy Miranda sa pelikula.

Nagtaka at nagulat si Atty. Topacio nang sabihin naming may special participation si Rhen sa Untrue, at mapangahas ang mga eksena ng dalaga sa pelikulang pinagbibidahan naman nina Cristine Reyes at Xian Lim.

May babad na topless scene si Rhen sa Untrue at matindi ang love scene nila ni Xian.

Tiyak na hindi ito magugustuhan ng mga opisyal at miyembro ng Iglesia Ni Cristo.

"Baka tumiwalag na siya," reaksiyon ni Atty. Topacio nang malaman niya ang daring scenes ni Rhen sa Adan at Untrue.

Continue reading below ↓

Nakumpirma ng Cabinet Files mula sa isang taong malapit kay Rhen na hindi na ito miyembro ng Iglesia Ni Cristo.

Pero walang paglilinaw kung itiniwalag siya o kusang-loob ang kanyang pagtiwalag dahil mas nangibabaw ang kagustuhan niyang matupad ang pangarap na maging artista sa pamamagitan ng paghuhubad sa pelikula.

Sa interbyu ng Cabinet Files kay Cindy, ikinuwento nitong may nudity scene at maiinit ang mga love scene nila ni Rhen sa Adan.

Tomboy na babaeng-babae ang physical appearance ang karakter ni Cindy sa Adan, na mula sa concept ni Yam Laranas at sa direksiyon ni Roman Perez Jr.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang daring scenes ba niya sa mga pelikulang Adan at Untrue ang dahilan kaya tiwalag na sa Iglesia Ni Cristo ang Viva artist na si Rhen Escaño?
PHOTO/S: Rhen Escano Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results