Pagdalo ni Bianca Umali sa premiere ng pelikula ni Ruru Madrid, wrong move?

by Jojo Gabinete
Nov 7, 2019
Open secret sa showbiz na may relasyon sina Bianca Umali at Ruru Madrid, pero hindi sila umaamin.
PHOTO/S: Bianca Umali Instagram / Ruru Madrid Instagram

Nang pumutok ang balita tungkol sa SM Megamall parking-lot encounter nina Bianca Umali at Ruru Madrid pagkatapos ng red-carpet premiere ng Cara X Jagger noong Martes ng gabi, November 5, lumitaw ang mga impormasyon mula sa mga nakakaalam sa tunay na kuwento.

Una, may usapan sina Ruru at Bianca na hindi dadalo ang dalaga sa premiere night ng Cara X Jagger dahil inililihim nga nila sa publiko ang kanilang relasyon.

Pero dumating si Bianca sa premiere ng pelikula nina Ruru at Jasmine Curtis-Smith dahil may nagsama sa kanya para sorpresahin ang boyfriend.

By now, alam na ng lahat na hindi nag-iisa si Ruru sa nasorpresa dahil marami ang nagulat sa inasal ni Bianca sa parking lot.

Pangalawa, hindi napansin ni Jasmine ang pagsilip ni Bianca sa kotse na sinasakyan nila ni Ruru at ng kanilang mga kasama.

Gamit ang kanyang cell phone, abala si Jasmine sa pagre-repost sa social media ng mga balita tungkol sa kanilang pelikula.

Continue reading below ↓

Pero naulinigan niyang may nagsalita ng “Congrats.”

Ayon sa mga eyewitness account, si Bianca ang nagsabi ng “Congrats,” sa sarkastikong pamamaraan, nang sumilip siya sa bintana ng sasakyan ni Ruru para malaman kung sino ang mga kasama ng kanyang boyfriend.

Pangatlo, nilinaw ng isang saksi na nauna muna ang eksena na muntik nang masagasaan ni Bianca si Ruru bago bumaba sa sasakyan ang aktres dahil nakita niya ang ama ng kanyang boyfriend.

Nagmano si Bianca bilang pagbibigay-galang sa ama ni Ruru na napaiyak dahil sa naging trato sa kanyang anak ng girlfriend nito.

May pananagutan ang mga nag-imbita kay Bianca na pumunta sa premiere night ng Cara X Jagger dahil naiwasan sana ang gulo kung hindi nila niyaya ang aktres.

Open secret sa showbiz na may relasyon sina Ruru at Bianca, pero hindi sila umaamin, kaya hindi tamang pinapunta ang aktres sa isang event na maaagawan niya ng atensiyon ang lead actress ng pelikula.

Continue reading below ↓

Kumpirmasyon din itong totoong may relasyon nila na paulit-ulit nilang itinatanggi na makakaapekto sa kanilang mga kredibilidad.

MICHELLE DEE, PINAGSESELOSAN DIN NI BIANCA?

Nababanggit ang pangalan ni Michelle sa lovers' rift nina Ruru Madrid at Bianca Umali dahil, diumano, pinagselosan din ng huli ang reigning Miss World Philippines.

May kumakalat na kuwentong hindi umano nagustuhan ni Bianca ang torrid kissing scene nina Ruru at Michelle sa pelikulang Cara X Jagger, at hindi rin sinabi sa kanya ng boyfriend na may ginawa itong ganoong eksena.

Pero bago pa man nakipagrelasyon si Bianca kay Ruru, matagal nang magkaibigan ang aktor at si Michelle.

Sabi ni Michelle sa presscon ng Cara X Jagger noong October 23, "Si Ruru, sobrang mahal ko ‘yan na kaibigan, as in ang dami niyang alam na sikreto about my life.

"Marami rin akong alam na sikreto about him."

Kung nagkukuwento si Ruru kay Bianca tungkol sa malalim na pagkakaibigan nila ni Michelle, tiyak na alam ng inililihim na girlfriend ng aktor na hindi threat ang beauty queen sa kanilang relasyon.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Open secret sa showbiz na may relasyon sina Bianca Umali at Ruru Madrid, pero hindi sila umaamin.
PHOTO/S: Bianca Umali Instagram / Ruru Madrid Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results